Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 12/8 p. 14-19
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—1998
  • Subtitulo
  • Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
Gumising!—1998
g98 12/8 p. 14-19

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag naman sa pahina 19. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Sino ang napilitang tumulong sa pagbuhat sa pahirapang tulos ni Jesus? (Mateo 27:32)

2. Anong pananalita ang mahigit sa 90 ulit na ginamit ng Diyos sa pagtawag kay propeta Ezekiel upang idiin na siya’y isa lamang tagalupa? (Ezekiel 2:1)

3. Gaya ng ipinahihiwatig ng Batas, patiunang nakita ni Jehova ang posibilidad na anong kasangkapan sa pagsasaka ang maaaring gamiting sandata? (Exodo 21:18)

4. Saan dapat isalig ayon kay Pablo ang pagkakawanggawa upang makinabang ang nagbibigay? (1 Corinto 13:3)

5. Ano ang inihula ni Jesus na tatlong ulit na gagawin ni Pedro sa araw na iyon bago tumilaok ang isang tandang? (Lucas 22:34)

6. Aling tribo ng Israel ang tumanggap ng kanilang manang lupain kapuwa sa silangan at kanluran ng Jordan? (Josue 13:29; 17:5)

7. Upang ang isang tao’y maging tunay na dakila, paano siya dapat gumawi ayon kay Jesus? (Lucas 9:48)

8. Bakit isang babaing Filisteo ang pinili ni Samson na maging asawa? (Hukom 13:25–​14:4)

9. Bagaman napatay na ang sampung anak na lalaki ni Haman, ano pa ang naging kahilingan ni Esther? (Esther 9:13)

10. Ano ang tawag sa mga punong tagapamahala ng mga nasasakupang distrito sa mga imperyo ng Babilonya at Persia? (Daniel 6:1)

11. Upang maligtas ang laman, ano ang gagawin sa mga araw ng “malaking kapighatian” ayon kay Jesus? (Mateo 24:21, 22)

12. Nang malapit na siyang mamatay, ano ang tiniyak ni Jose sa mga anak na lalaki ng Israel? (Genesis 50:24; Hebreo 11:22)

13. Sino ang nagtatag at hari ng unang imperyo pagkatapos ng Baha? (Genesis 10:8-​12)

14. Kanino binili ni Haring Omri ang bundok ng Samaria sa halagang dalawang talentong pilak bago ito ginawang kabisera niya? (1 Hari 16:24)

15. Saang lunsod napagkamalan sina Pablo at Bernabe bilang ang mga diyos na sina Hermes at Zeus? (Gawa 14:8-​12)

16. Nang si David at ang kaniyang mga tauhan ay tumakas mula sa Jerusalem pagkatapos ng paghihimagsik ni Absalom, sino yaong lumakad sa gilid ng bundok at nambato sa kanila ng mga bato at alabok? (2 Samuel 16:13)

17. Saang pampang ng ilog nakita ni Daniel ang pangitain ng paglalabanan ng mga hari ng hilaga at ng timog? (Daniel 10:4)

18. Saang lugar itinayo ang tore ng Babel? (Genesis 11:2)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. Si Simon ng Cirene

2. “Anak ng tao”

3. Ang asarol

4. Pag-ibig

5. Ipagkakaila niya si Jesus

6. Manases

7. “Gaya ng isang nakabababa”

8. Siya’y kumikilos ayon sa patnubay ng espiritu ng Diyos; ang pag-aasawang iyon ay magbibigay sa kaniya ng pagkakataon na labanan ang mga Filisteo

9. Na, gaya ng kanilang ama, sila’y ibayubay sa harap ng mga tao bilang kahihiyan

10. Satrapa

11. Paiikliin ang mga araw

12. Na sila’y lalabas sa Ehipto tungo sa Lupang Pangako

13. Nimrod

14. Shemer

15. Listra

16. Ang Benjamitang si Shimei

17. Tigris (Hidekel)

18. Shinar

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share