Nais Mo Bang Mapalugdan ang Diyos?
Palaisip ka ba sa espirituwal na pangangailangan sa iyong buhay? Nadarama mo bang may kulang sa isang daigdig na waring materyal na mga bagay lamang ang mahalaga? Nais mo bang makilala ang Diyos at magkaroon ng malapit na kaugnayan sa kaniya?
Baka sabihin mo, ‘Oo, pero paano ko magagawa iyon? Hindi ba napakahirap basahin at unawain ang Bibliya?’ Ang ilang tao, marahil dahil sa naghihikahos sa buhay, ay hindi gaanong nakapag-aral at maaaring nahihirapang magbasa. Paano sila matutulungan na makilala ang Diyos at ang kaniyang mga kahilingan para sa buhay na walang hanggan?
Noong 1996, ang Samahang Watch Tower ay naglabas ng isang publikasyon, na ngayo’y makukuha sa 211 wika, na pinamagatang Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Ito ay isang 32-pahinang makulay na brosyur na binubuo ng 16 na bahagi na nagbibigay ng simpleng kasagutan ng Bibliya sa mga tanong na gaya ng: Sino ang Diyos? Sino si Jesu-Kristo? Ano ang layunin ng Diyos para sa lupa? Paano mo masusumpungan ang tunay na relihiyon? Tinatalakay rin ng brosyur kung paano tayo mapapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at kung paano natin matatamasa ang buhay pampamilya na nakalulugod sa Diyos.
Kung nais mo ng isang kopya ng brosyur na ito, pakisuyong ipadala ang kalakip na kupon.
□ Padalhan ako ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
□ Pakisuyong makipag-alam sa akin tungkol sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.