Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 3/8 p. 13
  • Pagkatapos ng Bagyo, Namayani ang Kristiyanismo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagkatapos ng Bagyo, Namayani ang Kristiyanismo
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Pagbaha sa Mozambique—Kung Paano Inalagaan ng mga Kristiyano ang mga Biktima
    Gumising!—2001
  • Ang Diyos ang Naging Katulong Namin
    Gumising!—1999
  • Nagdudulot ng mga Pagpapala ang Espiritu ng Pagboboluntaryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Sama-samang Nagtatayo sa Buong Daigdig
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 3/8 p. 13

Pagkatapos ng Bagyo, Namayani ang Kristiyanismo

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA MOZAMBIQUE

NOONG gabi ng Marso 2, 1998, hinampas ng malakas na bagyo ang lunsod ng Maputo, Mozambique. Kinaumagahan, kitang-kita ang malawak na pinsalang dala ng bagyo. Nakakalat sa kahabaan ng dalampasigan ang bumagsak na mga punungkahoy, nasira ang mga daan dahil sa rumaragasang tubig, natanggal ang bubong ng mga bahay, at bumagsak naman ang iba pang bahay.

Matatag na nakatayo naman ang mga gusali ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova. Ngunit ang tahanan ng isang kapitbahay, isang simpleng bahay na yari sa kahoy na may bubong na yero, ay hindi nakatagal. Napakarupok ng bahay para matagalan ang malalakas na hangin, at nagiba nga ito. Mabuti na lamang, ang lahat ng nasa bahay, isang babae at ang kaniyang limang anak, ay buhay at hindi nasaktan. Subalit nawalan sila ng halos lahat ng materyal na tinatangkilik.

Kinaumagahan, dinalaw ng mga boluntaryong manggagawa sa tanggapang pansangay ng Samahang Watch Tower ang pamilyang ito at natagpuan silang nagtitipon ng kanilang iilang natitirang gamit mula sa kagibaan. Lalo pang tumindi ang kanilang dalamhati sa pagkawala ng kanilang ari-arian, yamang wala silang sapat na salapi upang muling maitayo ang kanilang bahay. Dahil sa walang ama, maliit lamang ang kita ng pamilya, na galing sa pagtitinda ng pagkain sa palengke sa lugar na iyon.

Matapos pag-aralan ang situwasyon, agad na tumulong ang mga Saksi ni Jehova. Natiyak na ang mga materyales na natira mula sa dating bahay ay hindi na angkop na gamiting muli. Kaya tinipon ng isang pangkat ng mga boluntaryong manggagawa ang lahat ng kinakailangang mga materyales at sila’y nagsimulang magtayo ng isang maliit ngunit matibay na bahay.

Sa simula ay naging mausisa ang mga kapitbahay, ngunit di-nagtagal ay namangha sila nang makita nila kung gaano kabilis ang trabaho. Sa loob lamang ng limang araw, ang buong bahay ay muling naitayo at puwede nang tirhan. Nang pumasok sa kaniyang bagong tahanan, hindi makapagsalita ang babae. Gayunman, hindi na kailangan ang mga salita, sapagkat bakas na bakas ang kaligayahan ng ina at ng kaniyang mga anak nang makita ng mga manggagawa ang kanilang ngiti at mga matang lipos ng pasasalamat.

Masayang-masaya rin ang mga boluntaryo. Nagagalak silang magkaroon ng pagkakataong ipakita sa isang praktikal na paraan ang espiritu ng tunay na Kristiyanismo.​—Galacia 6:10.

[Mga larawan sa pahina 13]

Marso 5

Marso 6

Marso 7

Muling itinayo ng lokal na mga Saksi ang tahanan ng pamilyang ito

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share