1914—Pasimula ba ng Ika-20 Siglo?
“Ang ika-19 na siglo—binigyang-katuturan bilang isang kalipunan ng mga paniniwala, palagay, saloobin at moral—ay hindi natapos noong Ene. 1, 1901,” ang isinulat ng kolumnistang si Charley Reese. “Natapos ito noong 1914. Noon din nagsimula ang ika-20 siglo na binigyan ng gayunding katuturan.”
Ipinaliwanag ni Reese: “Halos lahat ng alitan na ating ikinababahala sa buong buhay natin ay nagmula sa [unang pandaigdig na] digmaang iyon. . . . Sinira nito ang pagiging optimista ng ika-19 na siglo at nilikha ang ika-20 siglong bersiyon ng pagpapalugod sa sarili, pagkanegatibo, pagkabalisa, pangamba, at nihilismo.”
Maliwanag, ang 1914 ay isang napakahalagang petsa sa kasaysayan. Tinatalakay ng 32-pahinang brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? ang mismong bagay na ito. Maaari mong matanggap ang brosyur sa pamamagitan ng pagsulat sa kupon at paghuhulog nito sa koreo sa direksiyong nakatala sa kupon, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Padalhan ako ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?
□ Pakisuyong makipagkita sa akin may kinalaman sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.