Ang Bibliya ang Unang Nagsabi Nito
● “Ang pag-uusap ay hindi kailanman nagsisimula kaagad, ni sa nagmamadaling paraan. Walang sinuman ang padalus-dalos sa pagtatanong, gaano man kahalaga ito, at walang sinuman ang ginigipit para sa kasagutan. Ang paghinto na nagbibigay ng panahon para makapag-isip ay tunay na magalang na paraan sa pagsisimula at pagsasagawa ng pakikipag-usap. Makabuluhan ang katahimikan sa mga Lakota . . . Ginagawa [ito] bilang pagkakapit ng tunay na paggalang at pagpapahalaga sa alituntuning, ‘mag-isip muna bago magsalita.’”—Luther Standing Bear, pinuno ng Oglala Sioux (1868?-1939).
“Alamin ninyo ito, mga kapatid kong iniibig. Ang bawat tao ay dapat na maging matulin sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita, mabagal sa pagkapoot.”—Santiago 1:19, ang Bibliya (unang siglo C.E.).
“Ang puso ng matuwid ay nagbubulay-bulay upang makasagot, ngunit ang bibig ng mga balakyot ay binubukalan ng masasamang bagay.”—Kawikaan 15:28, ang Bibliya (mga ikawalong siglo B.C.E.).
“Inilalabas ng hangal ang kaniyang buong espiritu, ngunit siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli.”—Kawikaan 29:11, ang Bibliya (mga ikawalong siglo B.C.E.).
[Picture Credit Line sa pahina 27]
Larawan kuha ni David Barry, the Denver Public Library, Western History Collection