Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga talata sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyon na “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Sinabi ni Jesus sa Samaritana na dapat sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng ano? (Juan 4:24)
2. Upang mabata nila ang panggigipit at pag-uusig, ano ang ibinibigay ng Diyos sa kaniyang tapat na mga lingkod? (2 Corinto 4:7-10)
3. Sino ang pinakabatang anak na lalaki ni Hukom Gideon, ang kaisa-isa sa 70 anak na lalaki na hindi napatay ng kaniyang kapatid sa ama na si Abimelec? (Hukom 9:5)
4. Ano ang ipinangalan sa ika-50 taon pagkatapos na pumasok ang Israel sa Lupang Pangako, kung kailan ipahahayag ang paglaya sa buong lupain? (Levitico 25:10)
5. Mula sa anong maliit na kaharian umupa ng 12,000 mandirigmang lalaki ang mga anak ni Ammon para gamitin sa pakikipaglaban kay David? (2 Samuel 10:6)
6. Ano ang nakita ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya sa isang panaginip noong ikalawang taon ng kaniyang paghahari na lubhang nakabagabag sa kaniya? (Daniel 2:1, 31)
7. Ano ang niluray ni Samson sa pamamagitan lamang ng kaniyang mga kamay sa kauna-unahang naiulat na pangyayari ng paggamit niya sa bigay-Diyos na lakas? (Hukom 14:5, 6)
8. Anong hayop ang natagpuan ni Abraham na ang mga sungay nito ay nasalabid sa isang palumpong at na ginamit niya bilang handog kapalit ni Isaac? (Genesis 22:13)
9. Sa paggawa ng ano lumabag si Haring Saul sa utos ni Jehova sa pakikidigma laban sa mga Amalekita? (1 Samuel 15:3-9)
10. Pagkatapos ng pagkakatapon sa Babilonya, anong pangalan ang ibinigay sa Etanim, ang unang buwan ng sekular na kalendaryo ng mga Judio?
11. Saan natagpuan ng mga magulang ni Jesus ang kanilang 12-taóng-gulang na anak na lalaki matapos siyang hanapin sa loob ng tatlong araw? (Lucas 2:46)
12. Sino ang sinabihan sa pamamagitan ng hula na magalak sa matagumpay na pagpasok ni Jesus sakay ng isang bisiro? (Zacarias 9:9)
13. Bakit nagpayo si Jesus na mag-imbak ng “mga kayamanan sa langit”? (Mateo 6:20)
14. Ano ang ginawa ni Jehova upang ipahayag ang kaniyang pagkagalit kay Solomon nang si Solomon ay bumaling sa paghahandog sa ibang mga diyos sa kaniyang katandaan? (1 Hari 11:14, 23-26)
15. Ano ang ipinapayo sa atin ng Kasulatan na dapat bantayan nang higit sa lahat? (Kawikaan 4:23)
16. Ano ang ginawa ni Haring Jehoiakim nang basahin sa kaniya ang balumbon na naglalaman ng mga salita na iniukol ni Jehova laban sa Israel? (Jeremias 36:23)
17. Ano ang inakala ni Jacob na nakapatay sa kaniyang anak na si Jose? (Genesis 37:33)
18. Mula noong sinaunang mga panahon anong lunsod ang kilala bilang “lunsod ng mga puno ng palma”? (Deuteronomio 34:3)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. “Espiritu at katotohanan”
2. “Lakas na higit sa karaniwan”
3. Jotam
4. Jubileo
5. Istob
6. Isang pagkalaki-laking imahen sa anyong tao, na ang mga bahagi ay gawa sa iba’t ibang metal
7. Isang may-kilíng na batang leon
8. Isang barakong tupa
9. Iniligtas niya ang kanilang hari, si Agag, gayundin ang pinakamainam sa kanilang kawan at bakahan
10. Tishri
11. Sa templo
12. Ang “anak na babae ng Sion”
13. Ang materyal na mga kayamanan ay nasisira at walang natitipong kahalagahan sa Diyos
14. Inalis niya ang kaniyang pagpapala at nagsimulang magbangon ng mga manlalaban kay Solomon
15. Ang makasagisag na puso
16. Kaniyang pinilas ito at inihagis ito sa apoy
17. “Isang mabalasik na mabangis na hayop”
18. Jerico