Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 4/8 p. 11-27
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—2001
  • Subtitulo
  • Mga Sagot sa Pagsusulit
Gumising!—2001
g01 4/8 p. 11-27

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa siniping mga teksto sa Bibliya, at ang kumpletong listahan ng mga sagot ay nasa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Ano ang tawag sa mataas na hukuman ng mga Judio? (Gawa 5:27)

2. Gaya ng tinukoy ni apostol Juan, sa anong yugto ng panahon dadalhin ni Jesus sa isang matagumpay na konklusyon ang ilang bagay na may kinalaman sa layunin ng Diyos? (Apocalipsis 1:10)

3. Anong tatlong sandata ang taglay ni Goliat nang pumaroon siya laban kay David? (1 Samuel 17:45)

4. Sino ang asawa ni Oseas? (Oseas 1:3)

5. Sino ang nakatuklas na nagsitakas ang mga Siryanong kumubkob sa Samaria? (2 Hari 7:3-5)

6. Ano ang ipinagkaloob ni Haring Ahasuero ng Persia sa lahat ng kaniyang nasasakupan nang gawin niyang reyna si Esther? (Esther 2:18)

7. Di-nagtagal pagkatapos lalangin si Adan, ano ang sinabi ni Jehova na hindi mabuti para kay Adan? (Genesis 2:18)

8. Ano ang ipinagawa ni Jehova kay Josue may kinalaman sa mga kabayo ng mga kaaway ng Israel, sa gayon ay pinasisigla ang Israel na magtiwala sa proteksiyon ni Jehova? (Josue 11:6)

9. Ano ang makapapawi sa pagngangalit? (Kawikaan 15:1)

10. Bakit may mga superskripsiyon na inilagay sa unahan ng karamihan sa mga awit? (Awit 3-9)

11. Anong pananalita ang ginamit ni Job na malamang na nagpapahiwatig na nakatakas siya nang halos walang taglay na anuman? (Job 19:20)

12. Nasa kaninong tahanan si Jesus nang pinaratangan siya ng mga eskriba at mga Pariseo na kumakain at umiinom kasama ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan? (Lucas 5:29, 30)

13. Ipinagbawal ng Kautusang Mosaiko ang pagkain ng anong bahagi ng mga hayop na inihahain? (Levitico 7:23-25)

Mga Sagot sa Pagsusulit

1. Ang Sanedrin

2. “Sa araw ng Panginoon”

3. Isang tabak, isang sibat, at isang diyabelin

4. Si Gomer

5. Apat na ketongin

6. Isang amnestiya

7. “Manatiling nag-iisa”

8. Pilayin ang mga kabayo at sunugin ang mga karo

9. Mahinahong sagot

10. Upang makilala ang manunulat, maglaan ng mga tagubilin hinggil sa musika, at magbigay ng impormasyon o layunin ng awit

11. “Gabalat ng aking mga ngipin”

12. Sa tahanan ni Levi, o Mateo

13. Ang taba

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share