Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 19. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Ano ang tinatanggap ng mga tagasunod-yapak ni Jesus kapag pinahiran ng banal na espiritu? (Hebreo 3:1)
2. Bakit ibinigay ni Jehova ang pangalang nagbabadya ng masama na Lo-ami sa pangalawang anak na lalaki ni Oseas sa kaniyang asawang si Gomer? (Oseas 1:9)
3. Ayon kay Santiago, anong katangian ang unang ibinubunga ng makalangit na karunungan sa isang indibiduwal? (Santiago 3:17)
4. Ano kaagad ang ginawa ni Nabucodonosor pagkatapos maibigay ni Daniel ang kahulugan ng imahen sa panaginip? (Daniel 2:46, 47)
5. Anong mga kulay ng tina ang lubusang ginamit sa tabernakulo at sa mga kasuutan ng mga saserdote? (Exodo 28:6)
6. Sa kaniyang kalungkutan, ang salmista ay nakadama na gaya ng anong mga ibon? (Awit 102:6)
7. Anong pintuang-daan ang sinabi ni Jesus na dapat pasukin ng isa upang masumpungan “ang daan na umaakay patungo sa buhay”? (Mateo 7:13, 14)
8. Bakit nagtalukbong si Moises ng kaniyang mukha nang ibinibigay ang mga utos ng Diyos sa mga anak ni Israel? (Exodo 34:35)
9. Bagaman si Amasa ay pumanig kay Absalom laban kay David, anong dahilan ang ibinigay ni David sa pagbibigay sa kaniya ng puwesto ni Joab bilang pinuno ng hukbo? (2 Samuel 19:13)
10. Ano ang kasamang bumababa ng manna na makahimalang tinanggap ng mga Israelita bilang pagkain sa ilang? (Bilang 11:9)
11. Paano sinikap ng mga Pariseo na masilo si Jesus ng paghihimagsik laban sa Roma? (Mateo 22:15-21)
12. Paano ikinubli ni Jochebed ang kaniyang tatlong-buwang-gulang na “magandang” sanggol at sa gayo’y nailigtas ang buhay nito? (Exodo 2:2-10)
13. Ano ang ipinag-utos ni Balaam na gawin ni Balak sa bawat isa sa tatlong madaling makitang dako? (Bilang 23:1, 14, 29)
14. Ilang mga anak ni Haman ang pinatay ng mga Judio sa kastilyo ng Susan? (Esther 9:12)
15. Anong di-pangkaraniwang mga bagay ang nangyari nang magtipon ang mga alagad ni Jesus sa Jerusalem noong araw ng Pentecostes 33 C.E.? (Gawa 2:2-6)
16. Anong dahilan ang ibinigay ni Jonathan kay Saul upang ipaliwanag kung bakit si David ay hindi nila kasama sa pagkain? (1 Samuel 20:6)
17. Ano ang unang nakita ni Juan sa kaniyang pangitain sa apocalipsis? (Apocalipsis 1:12)
18. Ano ang ipinahahayag ng “malaking pulutong” na utang nila sa Diyos at sa Kordero? (Apocalipsis 7:9, 10)
19. Ayon kay Pablo, ano ang layunin ng Kautusang Mosaiko, at paano ito inihatid? (Galacia 3:19)
20. Anong dalawang bagay ang ipinagbabawal sa mga Israelita na kainin? (Levitico 3:17)
21. Sino ang unang naiulat na gumamit sa pangalan ng Diyos? (Genesis 4:1)
22. Sa sinaunang Israel, paano ipinakikita na pinipili ng isa na manatiling isang alipin? (Deuteronomio 15:17)
23. Bakit ipinahayag ni Ezra ang isang pag-aayuno sa ilog ng Ahava sa Babilonya? (Ezra 8:21)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Ang “makalangit na pagtawag” upang maging mga hari at mga saserdote na kasama ni Jesu-Kristo
2. Upang ipakita na itinakwil na Niya ang di-tapat na Israel
3. Kalinisan, o kadalisayan ng puso
4. Siya ay sumubsob, nagbigay-galang kay Daniel, at pumuri kay Jehova
5. Asul, mamula-mulang purpura, iskarlatang kokus
6. Ang pelikano at ang munting kuwago
7. ‘Ang makipot na pintuang-daan’
8. Ito’y “nagliliwanag” pagkatapos makipag-usap sa kaniya ng Diyos
9. Sinabi ni David na siya ang kaniyang “buto” at ang kaniyang “laman”
10. Hamog
11. Sa pamamagitan ng pagtatanong kung “kaayon ba ng kautusan na magbayad ng pangulong buwis kay Cesar”
12. Inilagay niya ito sa isang arkang papiro na hindi pinapasok ng tubig sa pampang ng ilog ng Nilo, kung saan siya natagpuan ng anak na babae ni Paraon
13. Siya’y pinag-utusang magtayo ng pitong altar at maghandog ng isang toro at isang barakong tupa sa bawat isa sa mga ito
14. Sampu
15. Isang ingay mula sa langit, “nakakita sila ng mga dila na parang apoy” sa ibabaw ng bawat alagad, at ang mga alagad ay napuspos ng banal na espiritu at nagsimulang magsalita ng iba’t ibang wika
16. Sinabi niyang si David ay nagtungo sa Bethlehem para sa taunang hain para sa kaniyang buong pamilya
17. Pitong ginintuang kandelero
18. Kaligtasan
19. Upang “mahayag ang mga pagsalansang.” “Ito ay inihatid ng mga anghel sa pamamagitan ng kamay ng isang tagapamagitan”
20. Taba at dugo
21. Si Eva
22. Ang tainga ng alipin ay binubutas sa pamamagitan ng isang balibol
23. Upang makapagpakumbaba ang mga nagsibalik sa harapan ni Jehova at usisain sa kaniya “ang tamang daan”