Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 12/8 p. 13-20
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—2001
  • Subtitulo
  • Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
Gumising!—2001
g01 12/8 p. 13-20

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 20. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)

1. Ayon kay Pedro, anu-anong bagay ang “nakikipagbaka laban sa kaluluwa”? (1 Pedro 2:11)

2. Pagkatapos maisauli ang kaniyang katinuan, ano ang kinilala ni Haring Nabucodonosor hinggil kay Jehova? (Daniel 4:34, 35)

3. Bakit “hindi pinahintulutan [ni Jesus na] ang sinuman ay magdala ng kagamitan sa templo”? (Marcos 11:16)

4. Ano ang hamon ni Haring Senakerib ng Asirya kay Haring Hezekias ng Juda? (2 Hari 18:23)

5. Ano ang pinasigla ni Jesus na gawin sa halip na ang paggawa ng padalus-dalos na mga pangako? (Mateo 5:37)

6. Ayon sa Kautusang Mosaiko, ano ang dapat gawin, kahit sa isang malapit na kamag-anak, na nagmungkahing maglingkod sa ibang mga diyos? (Deuteronomio 13:6-10)

7. Si Jehova ay nangako kay Abraham na ililigtas niya ang Sodoma at Gomorra kung makasusumpong siya roon ng anong pangwakas na bilang ng mga taong matuwid? (Genesis 18:32)

8. Paano namatay si Haring Saul? (1 Samuel 31:3, 4)

9. Bakit pinatay si Uzah nang tangkain niyang pigilan na mahulog ang Kaban? (Bilang 4:15, 19, 20; 2 Samuel 6:6, 7)

10. Anong lunsod sa Macedonia ang ipinangalan sa Griegong diyos ng araw? (Gawa 17:1)

11. Anong pananalita sa Bibliya ang nagpapahiwatig ng isang direksiyon sa silangan? (Apocalipsis 16:12)

12. Ilang taóng namuno si David bilang hari sa Israel?

13. Saan nagpapahinga si Jesus nang makipag-usap siya sa Samaritana? (Juan 4:6)

14. Bakit lubhang mahalaga na “iwasan ang walang-katuturang mga usapan na lumalapastangan sa kung ano ang banal”? (2 Timoteo 2:16)

15. Anu-ano ang pangalan ng tatlong anak na lalaki ni Noe? (Genesis 10:1)

16. Maliwanag, sino sa 11 magigiting na Gadita na “bumukod at pumanig kay David” sa ilang ang sinasabing ‘katumbas ng isang libo’? (1 Cronica 12:8-14)

17. Anong may-simpatiyang pananalita ang sinabi ni Jesus nang siya’y biguin ng kaniyang mga alagad sa pamamagitan ng pagtulog noong gabi ng pagkakanulo sa kaniya? (Marcos 14:38)

18. Si Jesus ay nanggaling sa linya ng sinong hari ng Israel? (Roma 1:3)

19. Sinong apat na babae ang espesipikong binanggit na dumating sa libingan ni Jesus upang pahiran ng mga espesya ang kaniyang bangkay? (Marcos 16:1; Lucas 24:10)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. “Mga pagnanasa ng laman”

2. Ang kaniyang pamamahala ay “hanggang sa panahong walang takda,” at walang makapipigil sa kaniya sa pagsasakatuparan ng kaniyang layunin

3. Sapagkat ginagamit nila ang looban ng templo bilang maikling daan patungo sa iba pang bahagi ng lunsod

4. Ang tanggapin ang 2,000 kabayo at tingnan kung siya ay makapaglalagay ng mga sasakay sa mga iyon

5. “Ang inyo lamang salitang Oo ay mangahulugang Oo, ang inyong Hindi, Hindi”

6. Siya ay papatayin

7. Sampu

8. Palibhasa’y malubhang nasugatan ng mga palaso ng Filisteo, nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagpapatibuwal sa kaniyang tabak

9. Ang utos ng Diyos ay na hindi dapat hipuin ng di-awtorisadong mga tao ang Kaban sa anumang kalagayan

10. Apolonia

11. “Mula sa sikatan ng araw”

12. 40

13. Sa bukal ni Jacob

14. “Sila ay magpapatuloy tungo sa higit at higit pang pagka-di-makadiyos”

15. Sem, Ham, at Japet

16. Si Ezer

17. “Sabihin pa, ang espiritu ay sabik, ngunit ang laman ay mahina”

18. Si David

19. Sina Maria Magdalena, Salome, Juana, at si Maria na ina ni Santiago

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share