Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 24. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Ayon kay Santiago, ano ang mga pagkakakilanlan ng isang tunay na Kristiyano? (Santiago 1:27)
2. Ano ang panghuling salot na pinasapit sa mga Ehipsiyo, na tumiyak sa pagpapalaya ng mga Israelita? (Exodo 11:1, 5)
3. Anong mga titik ng alpabetong Griego ang ginamit sa pagtukoy kay Jehova? (Apocalipsis 1:8)
4. Bakit hindi kaagad pinalayas ni Jehova ang lahat ng tumatahan sa Lupang Pangako mula sa harapan ng mga Israelita? (Exodo 23:29, 30)
5. Para sa kaligtasan niya at ng kaniyang pamilya, anong tatlong bagay ang kinailangang gawin ni Rahab? (Josue 2:18-20)
6. Anong pagpapahirap sa katawan ang pinasapit ni Satanas kay Job? (Job 2:7, 8)
7. Bakit umakyat si Zaqueo sa puno ng igos-mulberi? (Lucas 19:3, 4)
8. Ilan ang kuya ni David? (1 Cronica 2:15)
9. Paano sinubok ng reyna ng Sheba ang karunungan ni Solomon? (1 Hari 10:1)
10. Ano ang isang anyo ng salitang Hebreo para sa “Panginoon”? (Genesis 15:2)
11. Sa pagkakita ng anong tanda kailangang tumakas mula sa Judea ang mga alagad ni Jesus? (Marcos 13:14)
12. Bakit tayo totoong makaaasa sa buhay na walang hanggan? (Tito 1:2)
13. Gawa sa ano ang arka kung saan inilagay ang sanggol na si Moises? (Exodo 2:3)
14. Anong instrumento, na minsan lamang binanggit sa Bibliya, ang tinugtog noong ipinagdiriwang ang pagdadala ng Kaban sa Jerusalem? (2 Samuel 6:5)
15. Ilang alagad ang isinugo ni Jesus sa unahan niya sa kaniyang huling kampanya ng pagpapatotoo sa Judea? (Lucas 10:1)
16. Ano ang layunin ng mga Pariseo nang pagtatanungin nila si Jesus? (Mateo 22:15)
17. Ano ang mangyayari maging sa “pangalan ng mga balakyot”? (Kawikaan 10:7)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. ‘Iniingatan ang sarili na walang batik mula sa sanlibutan’ at pagiging makonsiderasyon sa mga naulila ng asawang lalaki o mga magulang
2. Ang kamatayan ng lahat ng panganay, mula sa tao hanggang sa hayop
3. Alpha at omega
4. Upang ang mabangis na hayop ay hindi dumami laban sa kanila sa isang biglang natiwangwang na lupain
5. Tipunin ang pamilya sa loob ng kaniyang bahay, itali ang isang panaling iskarlata sa bintana, at manatiling tahimik tungkol sa pagbisita ng mga tiktik
6. Isang malubhang bukol mula ulo hanggang paa
7. Hindi niya makita si Jesus dahil sa siya’y pandak
8. Anim
9. Tinanong niya si Solomon ng “mga palaisipang tanong”
10. Adonay [o Adhonai]
11. “Ang kasuklam-suklam na bagay na sanhi ng pagkatiwangwang na nakatayo kung saan hindi dapat”
12. Ito ay ipinangako ng Diyos, at siya’y hindi makapagsisinungaling
13. Papiro
14. Mga sistro
15. 70 (35 pares)
16. “Upang hulihin siya sa kaniyang pananalita”
17. Ito ay “mabubulok” at maglalaho