Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 22. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Bakit bumabanggit si Isaias ng tungkol sa pagtatapon ng mga diyos na pilak at ginto sa mga paniki sa araw ni Jehova? (Isaias 2:20)
2. Bakit sinabihan ang mga Israelita na huwag gapasin nang lubusan ang gilid ng kanilang mga bukid? (Levitico 19:9)
3. Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, ano ang hinihiling na gawin ng isang tao kung napinsala niya ang mata o nabungi niya ang ngipin ng kaniyang alipin? (Exodo 21:26, 27)
4. Kailan lamang maaaring umalis sa kanlungang lunsod ang isang mamamatay-tao? (Bilang 35:25)
5. Gaano kahabang panahon ang lumipas mula nang manalangin si Cornelio sa Diyos at nang dumating si Pedro upang dalawin siya? (Gawa 10:30-33)
6. Anong pagkilos ang sinasabi ni Pablo na dapat gawin may kaugnayan sa “mga lumilikha ng mga pagkakabaha-bahagi at mga dahilang ikatitisod”? (Roma 16:17)
7. Anong dagok ang idinulot ni Satanas sa kalusugan ni Job nang sinisikap niyang hikayatin si Job na ikompromiso ang kaniyang katapatan? (Job 2:7)
8. Nasaan ang mga Israelita nang magpasimula silang kumain ng manna at nang magpasimulang magkabisa ang batas ng Sabbath? (Exodo 16:1)
9. Ano ang ginamit ni Ehud upang patayin si Haring Eglon ng Moab? (Hukom 3:16)
10. Sa anong probinsiya ng Roma matatagpuan ang pitong kongregasyon na pinadalhan ni Juan ng mga mensahe? (Apocalipsis 1:4)
11. Sa anong hayop madalas iniuugnay si Jesus, at bakit? (Juan 1:29)
12. Anong termino ang ginagamit upang tumukoy sa kabuuang katubigan ng daigdig na naiiba sa lupa? (Habakuk 2:14)
13. Anong materyales ang ginamit ni Noe sa arka upang hindi ito tagusan ng tubig? (Genesis 6:14)
14. Ano ang naganap sa langit pagkaluklok kay Kristo? (Apocalipsis 12:7)
15. Sino ang dalawang alagad na isinugo ni Jesus upang maghanda para sa pagdiriwang ng kaniyang huling Paskuwa? (Lucas 22:7-13)
16. Sa anong hayop inihulang sasakay si Jesus nang may pagbubunyi patungong Jerusalem? (Zacarias 9:9)
17. Ang mga tamad ay pinayuhan na tularan ang mga lakad ng anong insekto? (Kawikaan 6:6)
18. Ano ang naging resulta nang gamitin ni Pedro ang kaniyang tabak sa pagsisikap na ipagtanggol si Jesus? (Juan 18:10)
19. Anong insekto ang buong-ingat na sinasala ng mga Pariseo upang hindi sila madungisan sa seremonyal na paraan? (Mateo 23:24)
20. Sino ang kilalá sa pagpaparangal sa kaniyang mga anak nang higit kaysa kay Jehova? (1 Samuel 2:22, 29)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Sapagkat isang dako ng kadiliman at karumihan lamang ang nararapat sa gayong mga idolo at hindi ng isa na may karangalan at katanyagan
2. Upang ang mga napipighati at mga naninirahang dayuhan ay may mahihimalay
3. Palayain ang alipin
4. Kapag namatay ang mataas na saserdote
5. Apat na araw
6. Mataan sila at iwasan
7. Pinasapit niya kay Job ang isang malubhang bukol na kumalat sa kaniyang buong katawan
8. Sa ilang ng Sin
9. Isang tabak na may dalawang talim
10. Asia
11. Sa isang kordero. Dahil sa papel ni Jesus ukol sa paghahain
12. Dagat
13. Alkitran
14. Isang digmaan na humantong sa pagpapalayas kay Satanas sa langit
15. Sina Pedro at Juan
16. Isang asno
17. Langgam
18. Pinutol niya ang kanang tainga ni Malco, ang alipin ng mataas na saserdote
19. Niknik
20. Ang mataas na saserdoteng si Eli