Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 14. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Nang iutos ni Jezebel na patayin ang mga propeta ni Jehova, sino ang nagtago sa 100 sa mga ito sa mga kuweba? (1 Hari 18:3, 4)
2. Anong titulo ni Jesus ang kinilala maging ng maruming demonyo na pinalayas ni Jesus mula sa lalaking nasa sinagoga sa Capernaum? (Lucas 4:34)
3. Ano ang pangalan ng asawa ni Noemi? (Ruth 1:3)
4. Sinu-sino ang limang tagapamahala ng Roma na binanggit ni Lucas sa pagtiyak sa panahon na sinimulan ni Juan na Tagapagbautismo ang kaniyang ministeryo? (Lucas 3:1)
5. Saang direksiyon nakaharap ang tabernakulo at ang templo? (Bilang 3:38)
6. Ilan ang anak na lalaki ni Jesse, at pang-ilan si David sa kanilang magkakapatid? (1 Samuel 17:12, 14)
7. Bakit nagbangon ng mga katanungan ang mga Pariseo kay Jesus? (Mateo 22:15)
8. Saang lunsod ng mga Filisteo nagtungo si Samson upang makakuha ng 30 damit na pambihis para ibigay sa mga “nakasagot” sa kaniyang bugtong? (Hukom 14:19)
9. Sa pangitain ni Juan hinggil sa trono ni Jehova, ano ang kawangis ng ikalawang nilalang na buháy? (Apocalipsis 4:7)
10. Anong lunsod ang hindi winasak ni Jehova nang magsisi ang hari at ang bayan nito sa kanilang masasamang lakad? (Jonas 3:1-10)
11. Bakit tayo pinaaalalahanan na ‘maging masunurin doon sa mga nangunguna’ sa kongregasyon? (Hebreo 13:17)
12. Sa pagbanggit hinggil sa pagtatakwil ng Diyos sa likas na Israel at pagpapakita naman ng lingap sa espirituwal na bansa, sinong propeta ang humula na “yaong hindi ko bayan ay tatawagin kong ‘aking bayan’ ”? (Roma 9:25)
13. Sa pangitain ni Juan, ano ang ginamit ng anghel upang gapusin si Satanas? (Apocalipsis 20:1)
14. Bakit lumipat sina Aquila at Priscila mula sa Roma tungo sa Corinto? (Gawa 18:2)
15. Bakit hindi tayo kailanman makakakita ng kamalian sa galit ng Diyos? (Josue 7:1)
16. Sa ano itinulad ni Isaias ang balakyot na mga tao na hiwalay sa Diyos? (Isaias 57:20)
17. Sino ang huling hari ng Judea na namahala sa Jerusalem? (2 Hari 24:18)
18. Ano ang sinabi ni Jesus sa eskriba na nagsabing kung saan pupunta si Jesus ay pupunta siya, na nagpapahiwatig na lahat ng sumusunod kay Jesus ay daranas ng kahirapan? (Lucas 9:58)
19. Sinong balakyot na hari ng Moab ang may napakatabang tiyan anupat nang isaksak ni Ehud ang kaniyang tabak dito ay bumaon ito nang husto? (Hukom 3:17-22)
20. Yamang hindi makapaniwala na waring hindi alam ni Jesus ang nangyari kamakailan sa Jerusalem, ano ang itinanong ni Cleopas sa kaniya? (Lucas 24:18)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Ang katiwala ng palasyo, si Obadias
2. “Ang Banal ng Diyos”
3. Elimelec
4. Sina Tiberio Cesar, Poncio Pilato, Herodes Antipas, ang kaniyang kapatid na si Felipe, at si Lisanias
5. Silangan
6. Walo; bunso
7. “Upang hulihin siya sa kaniyang pananalita”
8. Askelon
9. “Guyang toro”
10. Nineve
11. Upang makapagsulit sila “nang may kagalakan at hindi nang may pagbubuntunghininga,” na siyang “makapipinsala” naman sa atin
12. Oseas
13. “Isang malaking tanikala”
14. Dahil sa batas ni Claudio na lisanin ng mga Judio ang Roma
15. Ito ay laging makatuwiran, may pagpipigil at kasuwato ng kaniyang mga katangian na pag-ibig, karunungan, at katarungan
16. Ang dagat kapag umaalimbukay ito
17. Zedekias
18. “Ang Anak ng tao ay walang dakong mahihigan ng kaniyang ulo”
19. Eglon
20. “Nananahanan ka bang mag-isa bilang dayuhan sa Jerusalem?”