Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 2/8 p. 21-27
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—2005
  • Subtitulo
  • Mga Sagot sa Pagsusulit
Gumising!—2005
g05 2/8 p. 21-27

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)

1. Ayon kay Pedro, sa anong dahilan naging “piniling lahi” ng Diyos ang espirituwal na Israel? (1 Pedro 2:9)

2. Ano ang unang himala ni Jesus, at saan niya ito ginawa? (Juan 2:1-11)

3. Mula sa ano nilalang ng Diyos ang kapareha ni Adan na si Eva? (Genesis 2:22)

4. Sinong prominenteng lalaki sa Israel ang may mga anak na kilala bilang “mga walang-kabuluhang lalaki”? (1 Samuel 2:12)

5. Anong panukat ng tuyong bagay noong sinaunang panahon ang katumbas ng homer at kasukat ng sampung bat? (Lucas 16:7)

6. Bagaman alam ng mga Pariseo kung paano bigyang-kahulugan ang kaanyuan ng kalangitan, ano ang sinabi ni Jesus na hindi nila mabigyang-kahulugan? (Mateo 16:3)

7. Sa hula ni Ezekiel, sino ang sumalakay sa bayan ng Diyos, na tumatahang tiwasay at umuunlad? (Ezekiel 38:14-16; 39:11)

8. Bakit nasabi ni Jesus na walang kabuluhan ang iniuukol na pagsamba ng relihiyosong mga lider “sa kanilang mga labi”? (Marcos 7:6, 7)

9. Sinong anak ni Noe ang nasangkot sa isang insidente na nagdulot ng sumpa sa kaniyang anak na si Canaan? (Genesis 9:22-25)

10. Ang lupain ng aling tribo ang naging katumbas ng pinakadulong hilagang lupain ng Israel? (Hukom 20:1)

11. Nang papiliin siya ng isa sa tatlong anyo ng parusa pagkatapos niyang suwayin ang Diyos at bilangin ang Israel, alin ang naranasan ni David? (2 Samuel 24:12-15)

12. Aling tatlong aklat sa Bibliya ang isinulat ng Judiong saserdote na si Ezra?

13. Anong probinsiya ang natiyak ni Gobernador Felix na pinagmulan ni Pablo? (Gawa 23:34)

14. Sino ang naging pinuno ng hukbo kapuwa ni Absalom sa kaniyang paghihimagsik laban kay David at ni David nang mapatay si Absalom? (2 Samuel 17:25; 19:13)

15. Sino ang pinili ni Heneral Joab na magbalita kay Haring David na namatay ang anak nitong si Absalom? (2 Samuel 18:21, 32)

16. Ano ang dahilan kung bakit naghinuha si Jacob na ang kaniyang anak na si Jose ay nilamon ng mabangis na hayop? (Genesis 37:31-33)

17. Ano ang pangalan ng anghel na nagsabi kay Maria na siya ang napiling magsilang kay Jesus? (Lucas 1:26-31)

Mga Sagot sa Pagsusulit

1. Upang “ipahayag [nila] nang malawakan ang mga kagalingan” ng Diyos

2. Ginawang alak ang tubig; sa Cana

3. Isang tadyang na kinuha kay Adan

4. Eli

5. Ang kor

6. “Ang mga tanda ng mga panahon”

7. Si Gog at ang kaniyang “pulutong”

8. Sapagkat “ang kanilang mga puso ay malayung-malayo” sa kaniya

9. Si Ham

10. Ang Dan

11. Salot

12. Unang Cronica, Ikalawang Cronica, Ezra

13. Cilicia

14. Si Amasa

15. Isang Cusita na hindi binanggit ang pangalan

16. Ipinakita sa kaniya ang mahabang guhit-guhit na kasuutan ni Jose, na isinawsaw sa dugo ng kambing

17. Gabriel

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share