Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 6/8 p. 11
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—2005
  • Subtitulo
  • Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
Gumising!—2005
g05 6/8 p. 11

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 13. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)

1. Noong panahon ni Solomon, anong pangkat ng mga sasakyang pandagat ang nagdala ng pilak, garing, mga unggoy, at mga paboreal sa Israel? (1 Hari 10:22)

2. Nang malapit na siyang mamatay, paano ipinakita ni Pablo na batid niyang nakapagbata siya? (2 Timoteo 4:7)

3. Anong panaginip ni Paraon ang binigyang-kahulugan ni Jose bilang ang sasapit na pitong taóng matinding taggutom? (Genesis 41:17-24)

4. Sino ang dalawang babaing nagturo kay Timoteo mula sa Kasulatan? (2 Timoteo 1:5)

5. Sa anong di-pangkaraniwang paraan namatay si Absalom, at paano siya inilibing? (2 Samuel 18:9, 14-17)

6. Ano ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan? (Roma 6:23)

7. Anong hyperbole ang ginamit ni Jesus upang ipakita kung gaano kahirap para sa isang mayaman na makapasok sa Kaharian ng Diyos? (Mateo 19:24)

8. Sinong Romanong prokurador ng Judea ang nag-iwan kay Pablo na nakagapos dahil nais niyang kamtin ang pabor ng mga Judio? (Gawa 24:27)

9. Anong proseso sa paggawa ng alak ang iniulat na ginagawa ni Jesus upang ilarawan ang pagpuksa sa mga kaaway ng Diyos? (Apocalipsis 19:15)

10. Ano ang orihinal na ipinansulat sa Sampung Utos, at sa ano ito isinulat? (Exodo 31:18)

11. Paano nais ni apostol Pablo na gayakan ng mga babaing Kristiyano ang kanilang sarili? (1 Timoteo 2:9)

12. Upang ilarawan ang kadakilaan ni Jehova, sinabi ni Isaias na masusukat ni Jehova ang “tubig” sa pamamagitan ng ano? (Isaias 40:12)

13. Ano ang itinawag sa tahanan nina Adan at Eva? (Genesis 2:15)

14. Sino ang dalawa sa mga anak na lalaki ni Jacob na ang marahas na pagkilos ay hindi niya sinang-ayunan? (Genesis 49:5-7)

15. Anu-ano ang mga pangalan ng apat na ilog na nagsanga mula sa ilog na lumalabas sa Eden? (Genesis 2:11-14)

16. Ano ang dapat gawin ng mga Kristiyanong kuwalipikado sa espirituwal kapag nagkamali ang isang kapananampalataya bago niya mabatid ito? (Galacia 6:1)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. Mga barko ng Tarsis

2. Sinabi niya: “Naipaglaban ko na ang mainam na pakikipaglaban, natakbo ko na ang takbuhin hanggang sa katapusan, natupad ko na ang pananampalataya”

3. Nilamon ng pitong payat na baka ang pitong matatabang baka, at nilamon ng pitong nangunguluntoy na mga uhay ng butil ang pitong matatabang uhay ng butil

4. Ang kaniyang ina, si Eunice, at ang kaniyang lola, si Loida

5. Sinaktan ni Joab at ng kaniyang mga tagapaglingkod si Absalom samantalang nakabitin ito sa isang punungkahoy dahil nasalabid ang kaniyang buhok dito, pagkatapos ay inihagis ang kaniyang katawan sa isang hukay at tinabunan iyon ng isang napakalaking bunton ng mga bato

6. Kamatayan

7. Sinabi niya: “Mas madali pa sa isang kamelyo na makalusot sa butas ng karayom kaysa sa isang taong mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos”

8. Felix

9. Pagyurak sa pisaan ng ubas

10. Isinulat ito ng “daliri ng Diyos” sa mga tapyas ng bato

11. “Ng maayos na pananamit, na may kahinhinan at katinuan ng pag-iisip, hindi ng mga istilo ng pagtitirintas ng buhok at ginto o mga perlas o napakamamahaling kagayakan”

12. “Sa palad lamang ng kaniyang kamay”

13. Ang hardin ng Eden

14. Simeon at Levi

15. Pison, Gihon, Hidekel, at Eufrates

16. ‘Sikaping ibalik siya sa ayos sa espiritu ng kahinahunan’

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share