Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 22. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Sa anong rehiyon ng Ehipto dapat manirahan ang mga Israelita ayon kay Paraon, at bakit angkop na angkop ito? (Genesis 47:3-6)
2. Anong damdamin ang lumilikha ng mga pagtatalo? (Kawikaan 10:12)
3. Upang ipakita ang kataimtiman at ang pagiging mapagkakatiwalaan ng kaniyang pangako hinggil sa lupain ng Israel, inilarawan ni Jehova ang kaniyang sarili na ginagawa ang ano? (Ezekiel 36:7)
4. Anong ilustrasyon ang ginamit ni Jesus upang ilarawan ang mithiin niyang tipunin ang mga manhid na tumatahan sa Jerusalem? (Mateo 23:37)
5. Sino sa mga anak nina Adan at Eva ang ninuno ni Jesus? (Lucas 3:38)
6. Sinu-sino ang nagpasimuno ng sabuwatang ipapatay si Jesus? (Mateo 26:3)
7. Ayon kay apostol Juan, anong bukas na paanyaya ang ibinibigay sa lahat ng “nauuhaw” sa katuwiran? (Apocalipsis 22:17)
8. Kung nadarama ng sinuman na nagkukulang siya ng karunungan, ano ang dapat niyang gawin, at bakit? (Santiago 1:5)
9. Ano ang ginawa ni Jehova upang magkaroon ng asawa si Adan? (Genesis 2:22)
10. Sa anu-anong grupo ng sangkatauhan nagmumula ang mga hari at saserdoteng mamamahala sa ibabaw ng lupa kasama ni Jesus? (Apocalipsis 5:9)
11. Ano ang iba pang bigkas sa pangalan ng Diyos? (Exodo 6:3, talababa sa New World Translation of the Holy Scriptures—With References)
12. Bakit hindi pinapasok ni Jehova si Moises sa Lupang Pangako? (Bilang 20:10-12)
13. Ano ang ginawa ni David upang makatakas sa mga Filisteo sa Gat? (1 Samuel 21:12-14)
14. Anu-anong negatibong katangian ang dapat iwasan ng isang lalaki upang maging kuwalipikado bilang tagapangasiwang Kristiyano? (Tito 1:7)
15. Paano nag-abuloy si Dario na Medo sa muling pagtatayo ng templo ni Jehova sa Jerusalem? (Ezra 6:5-8)
16. Paano at kailan dapat ituro ng may takot sa Diyos na mga magulang sa kanilang mga anak ang mga utos ni Jehova? (Deuteronomio 6:6, 7)
17. Paano nasangkot si Simon ng Cirene nang ipapatay si Jesus? (Mateo 27:32)
18. Noong sumipi si Jesus sa aklat ng Isaias, hinahatulan niya ang mga eskriba at mga Pariseo dahil sa anong uri ng pagpapaimbabaw? (Mateo 15:8)
19. Ano ang kauna-unahang himala ni Jesus, at saan niya ito ginawa? (Juan 2:1-11)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Sa Gosen, sapagkat ito ang pinakamatabang lupang pastulan sa Ehipto. Ang pamilya ni Jacob ay mga tagapag-alaga ng hayop
2. Poot
3. Nagtataas ng kaniyang kamay upang manumpa
4. Isang inahing manok na nagtitipon ng kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak
5. Set
6. Ang mga punong saserdote at matatandang lalaki ng Israel
7. Pumarito at “kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad”
8. “Patuloy siyang humingi sa Diyos, sapagkat siya ay saganang nagbibigay sa lahat at hindi nandurusta”
9. Matapos patulugin nang mahimbing si Adan, kinuha Niya ang isa sa kaniyang mga tadyang at ginawa itong isang babae
10. “Mula sa bawat tribo at wika at bayan at bansa”
11. Yahweh
12. Hindi niya pinabanal si Jehova sa harap ng mga anak ni Israel may kinalaman sa makahimalang paglalaan ng tubig sa ilang
13. Nagkunwari siyang baliw, at hinayaan siyang makaalis ng hari ng Gat bilang isang di-nananakit na sintu-sinto
14. Dapat na malaya siya sa akusasyon, hindi mapaggiit ng sarili, hindi magagalitin, hindi lasenggong basag-ulero, hindi nambubugbog, hindi sakim sa di-tapat na pakinabang
15. Iniutos niya na bayaran ng maharlikang ingatang-yaman ang gastusin at ibalik ang mga sisidlang ginto at pilak na dinala ni Nabucodonosor sa Babilonya
16. Dapat maging alisto ang mga magulang sa lahat ng pagkakataon—sa di-pormal na mga kalagayan man o sa pormal na mga sesyon ng pag-aaral—upang maikintal ang katotohanan ng Salita ng Diyos sa puso ng kanilang mga anak
17. Pinilit siyang maglingkod upang buhatin ang pahirapang tulos ni Jesus
18. Pinarangalan nila ang Diyos “sa kanilang mga labi,” gayunman ang kanilang puso ay “malayung-malayo” sa kaniya
19. Ginawa niyang alak ang tubig sa isang piging ng kasalan sa Cana