Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 22. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Sino ang bumili ng yungib ng Macpela mula kay Epron na Hiteo para gamiting dakong libingan, at ilan ang binanggit na inilibing doon? (Genesis 49:30-33; 50:13)
2. Noong nakikipaglaban sila sa mga Filisteo, bakit iginiit ng mga tauhan ni David na huwag na siyang sumama sa kanila sa pakikibaka? (2 Samuel 21:15-17)
3. Anong mabangong palumpong ang binabanggit lamang sa Awit ni Solomon? (Awit ni Solomon 1:14; 4:13; 7:11)
4. Ano ang ginamit ni Gideon upang matiyak na tutuparin ni Jehova ang kaniyang pangako na iligtas ang Israel sa pamamagitan niya? (Hukom 6:36-40)
5. Ano ang tawag sa malaking hugasan na yari sa tanso at ginagamit ng mga saserdote upang hugasan ang kanilang sarili sa looban ng templo ni Solomon? (2 Cronica 4:6)
6. Ano ang pinakamalaking panukat ng timbang at halaga ng salapi ng mga Hebreo? (Ezra 8:26)
7. Ano ang sumiklab sa langit pagkatapos isilang ang Kaharian? (Apocalipsis 12:7)
8. Ayon kay Jesus, sa ano mas madaling makalusot ang kamelyo “kaysa sa isang taong mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos”? (Mateo 19:24)
9. Dahil iniligaw nila ang mga tao sa pamamagitan ng maling mga turo, ano ang itinawag ni Jesus sa mga eskriba at Pariseo? (Mateo 15:14)
10. Sinong hari ng Sirya ang nagtaboy sa mga Judio mula sa Judeanong lunsod ng Elat, kung kaya natakot si Haring Ahaz at nagpatulong sa Asirya? (2 Hari 16:6, 7)
11. Sino sa mga asawa ni Haring David ang ina ni Itream? (2 Samuel 3:5)
12. Nang ipahabol ni Jose sa kaniyang lingkod ang kaniyang mga kapatid upang makuha ang kaniyang nawawalang kopa, saan ito natagpuan? (Genesis 44:12)
13. Sinong inapo ni Caleb, na mapanghamak na inilarawan bilang mabagsik, masama, walang-kabuluhan, at hangal, ang pinatay ni Jehova? (1 Samuel 25:3, 17, 25, 36-38)
14. Anong karaniwang sandata ng mga Hebreo ang ginamit ni Pinehas upang ulusin sina Zimri at Cozbi, at sa gayon ay natigil ang salot na pumatay sa 24,000 Israelita sa Kapatagan ng Moab? (Bilang 25:6-15)
15. Anu-ano ang apat na bagay na lubhang kamangha-mangha para maunawaan ni Agur? (Kawikaan 30:18, 19)
16. Ano ang ginamit sa Bibliya upang sumagisag sa awtoridad ng mga magulang sa kanilang mga anak? (Kawikaan 29:15)
17. Anong kagamitan sa pagsasaka ang ginamit ng mga Israelita para alisin ang mga panirang-damo? (Isaias 7:25)
Mga Sagot sa Pagsusulit
1. Abraham. Anim na tao: Sara, Abraham, Isaac, Rebeka, Jacob, at Lea
2. Sapagkat napagod siya at nanganib na pabagsakin ni Isbi-benob, isang higanteng Filisteo
3. Henna
4. Balahibong lana
5. “Ang dagat”
6. Talento
7. Digmaan
8. “Sa butas ng karayom”
9. “Mga bulag na tagaakay”
10. Rezin
11. Egla
12. “Sa supot ni Benjamin”
13. Nabal
14. Sibat
15. “Ang lipad ng agila sa langit, ang usad ng serpiyente sa ibabaw ng bato, ang lutang ng barko sa kalagitnaan ng dagat at ang pamamaraan ng matipunong lalaki sa isang dalaga”
16. Pamalo
17. Asarol