Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 10/14 p. 7
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2014
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Estados Unidos
  • India
  • Switzerland
  • Horn of Africa
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2012
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2012
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2012
  • Mga Artikulo ng “Tanong ng mga Kabataan” sa Gumising!
    Tanong ng mga Kabataan
Iba Pa
Gumising!—2014
g 10/14 p. 7

PAGMAMASID SA DAIGDIG

Estados Unidos

GPS-trackable device na dumidikit sa sasakyan

Gumagamit ng teknolohiya ang ilang pulis para mabawasan ang panganib kapag may hinahabol silang sasakyan. Sinubukan nilang magkabit ng compressed-air launcher sa grill ng mga patrol car. Ang pinakabala nito ay mga GPS-trackable device na dumidikit sa sasakyang hinahabol. Sa gayon, masusundan pa rin nila ang mga suspek nang hindi kailangang humarurot.

India

Babaeng Indian

Tinatayang isang babae ang pinapatay bawat oras dahil sa di-pagkakasundo sa dote. Bagaman ipinagbabawal ang kaugalian ng pagbibigay at pagtanggap ng gayong kabayaran, mahigit 8,200 babae pa rin ang pinatay noong 2012 dahil para sa kasintahan o sa pamilya nito, hindi sapat ang doteng ibinayad ng babae.

Switzerland

Ibong alpine swift

Tatlong ibong alpine swift na nasa pinamumugaran ng mga ito ang kinabitan ng maliliit na sensor. Dahil dito, natuklasan na ang mga ito ay lumipad nang walang-hinto sa loob ng mahigit 200 araw habang nandarayuhan patungong Aprika. Dati, ang gayong tuloy-tuloy na paglalakbay ay iniulat na nagagawa lang ng mga hayop sa dagat.

Horn of Africa

Statistic ng pangha-hijack at pantubos

Sa pagitan ng Abril 2005 at Disyembre 2012, ang mga pirata ay nang-hijack ng 179 na barko sa baybayin ng Horn of Africa. Dahil sa mga krimeng iyon, nakakuha na ang mga pirata nang hanggang $413 milyon (U.S.) na pantubos, ayon sa isang pag-aaral ng World Bank.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share