Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g22 Blg. 1 p. 13-15
  • 4 | Ingatan ang Pag-asa Mo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 4 | Ingatan ang Pag-asa Mo
  • Gumising!—2022
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?
  • Ang Dapat Mong Malaman
  • Ang Puwede Mong Gawin Ngayon
  • Nagbibigay ng Tunay na Pag-asa ang Bibliya
  • Saan Ako Makakahanap ng Pag-asa?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Nagbibigay ng Pag-asa ang Bibliya
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Nagbibigay ng Pag-asa ang Bibliya
    Masayang Buhay Magpakailanman—Introduksiyon sa Pag-aaral ng Bibliya
  • May Pag-asa sa 2024—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
Iba Pa
Gumising!—2022
g22 Blg. 1 p. 13-15
Bibliyang nakabukas sa tabi ng plorerang may bulaklak.

MAGULO ANG MUNDO

4 | Ingatan ang Pag-asa Mo

BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?

Kapag nag-aalala tayo sa mga problema sa mundo, puwedeng maapektuhan nito ang kalusugan natin at emosyon. Sa ganoong kalagayan, marami ang nawawalan na ng pag-asa. Ano ang ginagawa nila?

  • Ayaw na ng ilan na isipin ang kinabukasan.

  • Para matakasan naman ng iba ang problema nila, dinadaan nila ito sa alak o droga.

  • Pakiramdam ng ilan, mas mabuti pang magpakamatay. Iniisip nila, “Bakit pa kailangang mabuhay?”

Ang Dapat Mong Malaman

  • Baka pansamantala lang ang ilang problema mo at baka bumuti naman ang kalagayan.

  • Kung hindi man magbago ang sitwasyon mo, may magagawa ka pa rin para maharap iyon.

  • Nangangako ang Bibliya ng tunay na pag-asa—isang permanenteng solusyon sa lahat ng problema ng tao.

Ang Puwede Mong Gawin Ngayon

Ang sabi ng Bibliya: “Huwag kayong mag-alala tungkol sa susunod na araw, dahil ang kasunod na araw ay magkakaroon ng sarili nitong mga álalahanín. Sapat na ang mga problema sa bawat araw.”​—Mateo 6:34.

Kung sobra kang mag-aalala tungkol sa susunod na mga araw, baka mapabayaan mo ang mga dapat mong gawin ngayon.

Kung mag-aalala ka sa masasamang bagay na posibleng mangyari, lalo ka lang mai-stress at mawawalan ng pag-asa.

ANG PUWEDENG GAWIN​—Mga Tip

MAGING POSITIBO

Babaeng panatag na nakadungaw sa bintana.

Ang sabi ng Bibliya: “Laging pangit ang araw ng napipighati, pero laging may pagdiriwang ang taong masaya ang puso.” (Kawikaan 15:15) Kung sobra kang nakapokus sa mga problema, baka hindi mo makita na nasa harap mo lang pala ang solusyon. Pero kapag positibo ka, makakahanap ka ng paraan para harapin ang sitwasyon.

  • Limitahan ang pakikinig o panonood ng mga balita.

  • Maglista ng dalawa o tatlong magagandang bagay na nangyari sa buong araw.

  • Maglista ng mga bagay na magagawa mo lang sa isang araw. Kapag may malalaki kang gawain, unti-untiin iyon para maramdaman mong may natatapos ka sa bawat araw.

HUMINGI NG TULONG

May-edad na lalaking nakikipag-usap sa isang nakababatang lalaki para mapanatag ito.

Ang sabi ng Bibliya: “Itinatakwil [ng nagbubukod ng sarili] niya ang lahat ng karunungan.” (Kawikaan 18:1) Kapag nasa malalim na hukay ka, hindi ka makakaahon kung walang tutulong sa iyo.

  • Humingi ng tulong sa mga kapamilya o kaibigan.

  • Humanap din ng pagkakataon para makatulong ka sa kanila. Kung gagawin mo iyon, mas gaganda ang pananaw mo sa mga bagay-bagay.

  • Kung nawawalan ka na ng pag-asa at naiisip mong wala nang saysay ang mabuhay pa, pag-isipang kumonsulta sa doktor. Baka sintomas ito ng isang sakit, gaya ng depresyon. Marami na ang bumuti ang kalusugan nang gawin nila iyon.a

a Ang Gumising! ay hindi nagrerekomenda ng anumang partikular na paggamot.

Nagbibigay ng Tunay na Pag-asa ang Bibliya

Nanalangin sa Diyos ang isang lingkod niya noon: “Ang salita mo ay lampara sa aking paa, at liwanag sa aking landas.” (Awit 119:105) Ganiyang-ganiyan nga ang Bibliya, ang Salita ng Diyos. Tingnan natin kung bakit.

Kapag madilim, makakatulong ang ilaw para malaman kung saan tayo hahakbang. Ang Bibliya din ay makakatulong sa atin na makagawa ng mga tamang desisyon dahil sa magagandang payo na makikita dito.

Makakatulong ang ilaw para makita mo ang dadaanan mo kahit nasa malayo ka pa. Ganiyan din ang Bibliya. Ipinapakita nito ang magagandang mangyayari sa hinaharap.

Ang Bibliya ay isang banal na aklat. Ipinapakita nito hindi lang ang kasaysayan ng tao kundi pati na ang tunay na pag-asa sa hinaharap. Sinasagot ng Bibliya ang mga tanong na ito:

Paano?

Paano nagsimula ang pagdurusa? Sinasabi ng Bibliya na “sa pamamagitan ng isang tao, ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ang kamatayan, kaya naman ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao, dahil silang lahat ay nagkasala.”​—Roma 5:12.

Bakit?

Bakit hindi masolusyunan ng tao ang mga problema? Sinasabi ng Bibliya na “hindi para sa taong lumalakad ang ituwid man lang ang sarili niyang hakbang.” (Jeremias 10:23) Pinapatunayan ng mga nangyayari ngayon na totoo ang sinasabi ng Bibliya.

Ano?

Ano ang gagawin ng Diyos? Mababasa sa Bibliya na “papahirin niya ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot.”​—Apocalipsis 21:4.

Eksena sa video na “Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?​—Maikling Bersiyon” Ipinapakita ng babae sa kaniyang asawa ang nabasa niya sa Bibliya.

HIGIT PANG IMPORMASYON. Panoorin ang Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share