Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g23 Blg. 1 p. 6-8
  • Karagatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Karagatan
  • Gumising!—2023
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nanganganib ang Karagatan
  • Ating Planeta—Dinisenyo Para Manatili
  • Ang Pagsisikap ng Tao
  • Pag-asa Mula sa Bibliya
  • Karagatan—Mahalagang Yaman o Pangglobong Imburnal?
    Gumising!—1989
  • Karagatan—Sino ang Makapagliligtas Dito?
    Gumising!—1989
  • “Ang Napakasaganang Yaman ng Dagat”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2023
Iba Pa
Gumising!—2023
g23 Blg. 1 p. 6-8
Scuba diver na lumalangoy sa dagat na puno ng makukulay na isda, coral, at halaman.

Georgette Douwma/Stone via Getty Images

MAY PAG-ASA PA BA ANG PLANETA NATIN?

KARAGATAN

GALING sa karagatan ang karamihan sa mga kinakain natin, pati na ang mga sangkap na ginagamit para gumawa ng gamot. Galing din sa karagatan ang mahigit sa kalahati ng oxygen ng mundo, at ina-absorb nito ang mga nakakalasong gas na carbon na gawa ng tao. Hindi lang iyan, binabalanse rin ng karagatan ang ating klima.

Nanganganib ang Karagatan

Dahil sa climate change, naaapektuhan ang mga coral reef, kabibi, at iba pang buhay sa dagat. Ayon sa mga scientist, halos lahat ng coral reef—na sumusustine sa di-bababa sa 25 porsiyento ng buhay sa dagat—ay posibleng mamatay sa susunod na 30 taon.

Sabi naman ng mga eksperto, mga 90 porsiyento ng mga seabird ang posibleng nakakáin na ng plastik, at tinatayang milyon-milyong hayop sa dagat ang namamatay taon-taon dahil sa plastik.

“Hindi natin inalagaan ang dagat,” ang sabi ng UN Secretary-General na si António Guterres noong 2022, “at ngayon, masasabi kong meron na tayong ‘Ocean Emergency.’”

Ating Planeta—Dinisenyo Para Manatili

Nakakapanatiling malinis at malusog ang mga dagat at ang mga nabubuhay rito kapag hindi sobra-sobra ang polusyong gawa ng tao. Ipinapaliwanag ng aklat na Regeneration: Ending the Climate Crisis in One Generation na kapag hindi narurumhan ng tao ang isang bahagi ng dagat, “gumagana ang likas na kakayahan ng dagat na linisin ang sarili nito.” Tingnan ang ilang halimbawa:

  • Ang maliliit na organismong tinatawag na phytoplankton ay nag-a-absorb at nag-iimbak ng carbon dioxide—ang pangunahing gas na pinapaniwalaang dahilan ng global warming. Nakakapag-imbak ang phytoplankton ng carbon dioxide na halos kasindami ng pinagsama-samang carbon dioxide ng lahat ng puno, damo, at iba pang halaman sa lupa.

  • Nakakapagparumi ng dagat ang mga patay na isda, pero kinakain ito ng mga baktirya. Pagkatapos, ang mga baktiryang ito naman ay kakainin ng ibang mga hayop sa dagat. Dahil sa prosesong ito, “nananatiling malinis at malinaw ang dagat,” ayon sa Smithsonian Institution Ocean Portal.

  • Ginagamit ng maraming hayop sa dagat ang digestive system nila para ang acidic na tubig sa dagat—na nakakasamâ sa mga coral, kabibi, at iba pang nilalang—ay maging tubig na alkaline.

    ALAM MO BA?

    Damo sa Dagat at ang Epekto Nito

    Ipinapakita sa larawan ang mga alon na papunta sa dalampasigan. Makikita ang sahig ng dagat, mga damo, at mga hayop. Habang papalapit ang mga alon sa baybayin, nakakatulong ang mga damo para lumiit at bumagal ang mga alon at maalis ang mga dumi mula sa tubig. Nakakakuha ng pagkain ang mga isda at iba pang nilalang sa dagat mula sa mga damo. Malinis ang tubig na napupunta sa dalampasigan at mas kalmado ang mga alon dito.

    Sinasalo ng mga damo sa ilalim ng dagat ang mga buhangin kaya hindi ito naaanod kung saan-saan. Nakakatulong din ang mga ito para mapanatiling malusog ang mga coral at malimitahan ang malalakas na alon na posibleng makasira sa mga baybayin.

Ang Pagsisikap ng Tao

Collage: 1. Nasa isang reusable bag ang mga pinamili ng lalaki at inilalabas niya ang mga ito sa mesa sa kusina. 2. Sa kusina, pinupuno ng babae ng tubig ang reusable na lalagyan.

Kung gagamit tayo ng mga reusable bag at mga lalagyan ng tubig na hindi disposable, makakatulong tayo para mabawasan ang dami ng plastik na basura sa dagat

Kung walang kalat na itinatapon sa dagat, walang kailangang linisin. Kaya inirerekomenda ng mga eksperto ang mga reusable bag at lalagyan kaysa sa mga plastik na isang beses lang gagamitin at itatapon na.

Pero hindi sapat iyan. Kamakailan, isang organisasyon para sa kapaligiran ang nakakolekta ng 9,200 tonelada ng basurang inanod sa mga dalampasigan ng 112 bansa, sa loob lang ng isang taon. Pero napakaliit lang na porsiyento iyon ng mga basurang napupunta sa dagat taon-taon.

Sinabi ng National Geographic na “ang pagiging acidic [ng mga karagatan] sa ngayon ay malamang na hindi na masosolusyunan.” Napakaraming fuel gaya ng langis, gas, at uling ang sinusunog ng mga tao kaya hindi na mapanatiling malinis ng mga hayop sa dagat ang karagatan gaya ng pagkakadisenyo sa mga ito.

Pag-asa Mula sa Bibliya

“Ang lupa ay punô ng mga ginawa mo. Naroon ang dagat, na napakalaki at napakalawak, punong-puno ng di-mabilang na buháy na nilikha, maliliit at malalaki.”​—Awit 104:​24, 25.

Ang Maylalang ang lumikha ng karagatan, pati na ang kakayahan nitong linisin ang sarili. Pag-isipan: Alam na alam niya ang pagkakadisenyo ng dagat at ng mga nabubuhay rito. Kaya siguradong kayang-kaya rin niyang ayusin ang mga napinsalang karagatan. Tingnan ang artikulong “Ipinangako ng Diyos na Mananatili ang Planeta Natin” sa pahina 15.

HIGIT PANG IMPORMASYON

Mga pilot whale na lumalangoy sa dagat.

Blue Planet Archive/Doug Perrine

May epektibo at di-nakakalasong paraan ng paglilinis ng malalaking barko na nangyayari na pala sa ilalim ng dagat. Basahin ang artikulong “Ang Kakaibang Balat ng Pilot Whale” sa jw.org.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share