Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 11
  • Ang Unang Bahaghari

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Unang Bahaghari
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Bahaghari
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Walo ang Nakaligtas sa Baha
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Gumawa ng Sarili Mong Bahaghari
    Gumising!—1989
  • Pinuksa ng Tubig ang Isang Sanlibutan—Mauulit Kaya Ito?
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 11

KUWENTO 11

Ang Unang Bahaghari

ALAM mo ba kung ano ang unang ginawa ni Noe nang siya at ang kaniyang pamilya ay lumabas sa daóng? Naghandog siya sa Diyos. Nakikita mo ba siya sa larawan habang ginagawa niya ito? Inihahandog ni Noe ang mga hayop na ito para pasalamatan ang Diyos dahil sa pagliligtas sa kaniyang pamilya sa baha.

Sa palagay mo kaya’y natuwa si Jehova sa handog? Oo, natuwa siya. Kaya nangako siya kay Noe na hindi na niya uli lilipulin ang daigdig sa pamamagitan ng isang baha.

Kaya si Noe at ang kaniyang pamilya ay nagsimula ng panibagong buhay sa labas ng daóng. Binasbasan sila ng Diyos at sinabi sa kanila: ‘Dapat kayong magkaroon ng maraming anak. Magpakarami kayo hanggang sa mapuno ng tao ang buong lupa.’

Pero sa bandang huli, baka matakot ang mga tao na muling magbabaha. Kaya, binigyan sila ng Diyos ng tanda na magpapaala-ala sa kanila tungkol sa kaniyang pangako na hindi na niya muling lilipulin ang lupa sa isang baha. Alam mo ba kung ano ang tandang iyon? Isang bahaghari. Nakakita ka na ba nito? May nakikita ka bang bahaghari sa larawan?

Nangako ang Diyos: ‘Hindi na muling lilipulin ng isang baha ang lahat ng tao at hayop. Inilalagay ko ang aking bahaghari sa ulap. Kaya kapag lumitaw ang bahaghari, makikita ko ito at maaala-ala ko ang aking pangako.’

Kaya kapag nakakakita ka ng isang bahaghari, ano ang maaala-ala mo? Oo, ang pangako ng Diyos na hindi na niya muling lilipulin ang daigdig sa pamamagitan ng isang baha.

Genesis 8:18-22; 9:9-17.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share