Introduksiyon sa Seksiyon 14
Ipinangaral ng unang mga Kristiyano ang mabuting balita ng Kaharian hanggang sa pinakamalayong lugar sa lupa. Sinabi ni Jesus kung saan sila mangangaral at makahimala silang binigyan ng kakayahang magsalita ng iba’t ibang wikang ginagamit ng mga tao para maturuan nila ang mga ito. Binigyan sila ni Jehova ng katapangan at kapangyarihan para maharap nila ang pag-uusig.
Binigyan ni Jesus si apostol Juan ng pangitain tungkol sa kaluwalhatian ni Jehova. Sa isa pang pangitain, nakita ni Juan na tinalo ng Kaharian ng langit si Satanas at winakasan magpakailanman ang pamamahala nito. Nakita ni Juan na namamahala si Jesus bilang Hari pati na ang 144,000 kasamang tagapamahala. Nakita rin ni Juan na naging paraiso ang buong lupa, at ang lahat ay payapa at nagkakaisang sumasamba kay Jehova.