Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • scl p. 3-5
  • Introduksiyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Introduksiyon
  • Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay
Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay
scl p. 3-5

Introduksiyon

Dinisenyo ang aklat na Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay para madali mong makita ang mga teksto at ulat sa Bibliya na makakatulong sa iyo na maharap ang mga problema. Puwede mo ring gamitin ito para mahanap ang mga tekstong makakapagpatibay sa iba at makakatulong sa kanila na gumawa ng desisyong magpapasaya kay Jehova. Piliin ang paksang gusto mo, at gamitin ang mga tanong at maiikling sumaryo ng mga ulat sa Bibliya. (Tingnan ang kahong “Kung Paano Gagamitin ang Publikasyong Ito.”) Napakarami mong mahahanap na payo, patnubay, at pampatibay mula sa Salita ng Diyos. Makakakita ka rin ng mga hiyas na puwede mong sabihin sa iba—mga teksto na magpapagaan ng loob nila, makakatulong sa kanila kapag may problema, at gagabay at magpapatibay sa kanila.

Kung Paano Gagamitin ang Publikasyong Ito

Para hanapin ang isang paksa, puwede mong gamitin ang search box o tingnan ang mga kategorya. May pitong kategorya ang Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay: Araw-araw na Buhay, Espirituwalidad, Hamon, Katangian, Kongregasyon, Paggawi, at Pamilya. Malamang na makita mo ang paksang hinahanap mo sa isa sa mga kategoryang ito. I-click o i-tap ang kategorya, at hanapin sa listahan ang paksang gusto mo. Pero kung hindi ka sigurado kung saang kategorya lilitaw ang isang paksa, i-click o i-tap ang Lahat para makita ang lahat ng paksa. Sa bawat paksa, may makikita kang mga naka-bold na heading. Ang ilan ay pangungusap; ang iba ay tanong. Habang binabasa mo ang mga tekstong naka-bold sa ilalim ng heading, pag-isipang mabuti kung paano nito pinapatunayang totoo ang pangungusap o sinasagot ang tanong. May ilang paksa na nahahati sa mga seksiyon para mas madali mong makita ang impormasyong hinahanap mo. Kung minsan, may mga teksto na may nakasulat na “Tingnan din.” May mga punto ito na nauugnay sa paksa. Sa maraming paksa, may makikita kang “Halimbawa sa Bibliya.” May nakalista ritong isa o higit pang teksto na may maikling paliwanag tungkol sa pangunahing punto o aral ng ulat na iyon. Pag-isipan ang paliwanag na iyon habang binabasa mo ang teksto.

Hindi nakalista sa publikasyong ito ang lahat ng teksto para sa isang paksa. Pero magandang pasimula ito sa pagre-research mo. (Kaw 2:​1-6) Para mas mapalalim ang pag-aaral mo, gamitin ang mga marginal reference at study note ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan. Puwede mong gamitin ang Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova o ang Watch Tower Publications Index para mas maintindihan ang ibig sabihin ng isang teksto at kung paano ito isasabuhay. Gamitin ang mga pinakabagong reperensiya para matiyak mo na updated ang pagkaunawa mo sa mga katotohanan sa Bibliya.

Makatulong sana ang Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay para mahanap mo ang karunungan, kaalaman, at kaunawaan na nasa Banal na Kasulatan. Habang ginagamit mo ang publikasyong ito, magiging mas kumbinsido ka na “ang salita ng Diyos ay buháy at malakas.”​—Heb 4:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share