Pamilya
Si Jehova ang nagpasimula ng pamilya
Magulang
Tingnan ang “Magulang”
Ama
Tingnan ang “Ama”
Ina
Tingnan ang “Ina”
Asawang Lalaki, Asawang Babae
Tingnan ang “Pag-aasawa”
Anak
Ano ang responsibilidad ng mga anak sa loob ng pamilya?
Bakit dapat sundin ng mga anak ang mga magulang nila?
Halimbawa sa Bibliya:
Aw 78:1-8—Sinabi ng mga Israelita sa mga anak nila ang ginawa ng mga ninuno nila para matuto ang mga ito na magtiwala sa Diyos at huwag magrebelde
Luc 2:51, 52—Noong kabataan si Jesus, kahit perpekto siya, naging masunurin siya sa mga magulang niya na hindi perpekto
Bakit puwedeng mahirapan ang mga anak na igalang ang mga magulang nila?
Ano ang tingin ng Diyos sa mga rebelyosong anak?
Halimbawa sa Bibliya:
Deu 21:18-21—Ayon sa Kautusang Mosaiko, dapat patayin ang isang anak na lumaking matigas ang ulo at rebelde
2Ha 2:23, 24—Winalang-galang ng isang grupo ng mga batang lalaki si propeta Eliseo na isang kinatawan ng Diyos, kaya pinatay sila ng dalawang oso
Paano dapat ituring ng mga magulang ang pribilehiyong magpalaki ng mga anak?
Halimbawa sa Bibliya:
Lev 26:9—Para sa mga Israelita, pagpapala mula kay Jehova ang pagkakaroon ng mga anak
Job 42:12, 13—Dahil sa katapatan ni Job, pinagpala siya ni Jehova at binigyan silang mag-asawa ng 10 pang anak
Para mapasaya si Jehova, paano dapat pakitunguhan ng magkakapatid ang isa’t isa?
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 27:41; 33:1-11—Dahil pinagpakitaan ni Jacob ng dangal ang kuya niyang si Esau at nakipagpayapaan siya rito, buong puso siyang tinanggap ni Esau
Ano ang pananagutan ng mga adultong anak sa kanilang mga magulang at lolo’t lola?
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 11:31, 32—Nang umalis ng Ur si Abraham, isinama niya ang ama niyang si Tera at inalagaan hanggang sa kamatayan nito
Mat 15:3-6—Sa tulong ng Kautusang Mosaiko, ipinaliwanag ni Jesus na dapat suportahan ng mga adultong anak ang mga magulang nilang nangangailangan
Biyenan
Tingnan ang “Biyenan”
Lolo’t Lola
Tingnan ang “Lolo’t Lola”