Pampatibay
Bakit mahalagang magpatibayan ang mga lingkod ng Diyos?
Isa 35:3, 4; Col 3:16; 1Te 5:11; Heb 3:13
Halimbawa sa Bibliya:
2Cr 32:2-8—Nang mapaharap sa malaking panganib ang bayan, pinatibay sila ni Haring Hezekias
Dan 10:2, 8-11, 18, 19—Pinatibay at pinalakas ng isang anghel si propeta Daniel noong matanda na siya at nanghihina
Bakit inaasahan ni Jehova na papatibayin ng mga elder ang iba?
Tingnan din ang Mat 11:28-30
Halimbawa sa Bibliya:
Deu 3:28; 31:7, 8—Sinunod ng propetang si Moises ang utos ni Jehova na patibayin at palakasin si Josue, na papalit sa kaniya
Gaw 11:22-26; 14:22—Noong may pag-uusig, pinatibay ng mga apostol na sina Pablo at Bernabe ang mga Kristiyano sa Antioquia
Bakit mahalaga ang komendasyon kapag pinapatibay natin ang mga kapatid?
Halimbawa sa Bibliya:
Huk 11:37-40—Taon-taon, dinadalaw ng mga babae ng Israel ang anak ni Hukom Jepte para purihin siya sa mga sakripisyo niya
Apo 2:1-4—Kahit itinuwid ni Jesus ang mga Kristiyano sa Efeso, sinabi rin niya ang mabubuting ginagawa nila
Paano natin mapapatibay ang ating mga kapatid?
Kaw 15:23; Efe 4:29; Fil 1:13, 14; Col 4:6; 1Te 5:14
Tingnan din ang 2Co 7:13, 15, 16
Halimbawa sa Bibliya:
1Sa 23:16-18—Alam ni Jonatan na pinanghihinaan ng loob si David, kaya pinuntahan niya ito para patibayin
Ju 16:33—Pinatibay ni Jesus ang mga tagasunod niya—ipinaalala niya sa kanila na dinaig niya ang sanlibutan at tiniyak niyang kaya rin nila iyon
Gaw 28:14-16—Habang papunta sa Roma para sa paglilitis, lumakas ang loob ni apostol Pablo nang makita niya ang mga kapatid na naglakbay para salubungin siya at patibayin
Bakit dapat nating igalang ang iba at iwasang maging mapagreklamo?
Halimbawa sa Bibliya:
Bil 11:10-15—Nasiraan ng loob ang propetang si Moises dahil sa pagiging negatibo at masuwayin ng bayan
Bil 13:31, 32; 14:2-6—Dahil sa pagiging negatibo ng 10 espiyang walang pananampalataya, pinanghinaan ng loob ang bayan at nagrebelde sila
Bakit mapapatibay tayo sa pakikipagsamahan sa mga kapatid?
Kaw 27:17; Ro 1:11, 12; Heb 10:24, 25; 12:12
Halimbawa sa Bibliya:
2Cr 20:1-19—Nang salakayin ng isang malaking hukbo ang Juda, tinipon ni Haring Jehosapat ang bayan para manalangin
Gaw 12:1-5, 12-17—Matapos patayin si apostol Santiago at makulong si apostol Pedro, nagtipon para manalangin ang kongregasyon sa Jerusalem
Paano makakatulong ang positibong pananaw para makapagtiis tayo sa mahihirap na sitwasyon?
Gaw 5:40, 41; Ro 8:35-39; 1Co 4:11-13; 2Co 4:16-18; 1Pe 1:6, 7
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 39:19-23; 40:1-8—Kahit nabilanggo si Jose nang walang kasalanan, nanatili siyang tapat at gusto pa ring makatulong sa iba
2Ha 6:15-17—Nagpakita ng lakas ng loob si propeta Eliseo kahit nanganganib ang buhay niya, at ipinanalangin niyang huwag ding matakot ang tagapaglingkod niya
Pampatibay mula sa Salita ni Jehova
Ano ang tinitiyak sa atin ni Jehova?
Paano tayo mapapatibay kapag pinag-iisipan natin ang pagtitiis at awa ni Jehova?
Paano nagbibigay ng tulong si Jehova sa mga nanghihina?
Aw 46:1; Isa 12:2; 40:29-31; Fil 4:13
Halimbawa sa Bibliya:
1Sa 1:10, 11, 17, 18—Pinakinggan ni Jehova ang panalangin ni Hana at tinulungan siyang maging panatag noong napakalungkot niya
1Ha 19:1-19—Noong nanghihina si propeta Elias, binigyan siya ni Jehova ng pagkain at maiinom. Para patibayin siya, tiniyak ni Jehova sa kaniya na bubuti ang kalagayan
Paano tayo napapatibay ng mga pangakong nasa Bibliya?
2Cr 15:7; Aw 27:13, 14; Heb 6:17-19; 12:2
Halimbawa sa Bibliya:
Job 14:1, 2, 7-9, 13-15—Kahit noong hinang-hina si Job, napatibay siya ng pag-asa na bubuhayin siyang muli
Dan 12:13—Noong mga 100 taon na si propeta Daniel, napatibay siya nang sabihin ng anghel ang tungkol sa pag-asa niya
Bakit mapapatibay tayo ng pananalangin kay Jehova at pagbubulay-bulay tungkol sa kaniya?
Halimbawa sa Bibliya:
1Sa 30:1-9—Noong nasa mahirap na sitwasyon si Haring David, umasa siya kay Jehova at napatibay
Luc 22:39-43—Sa harap ng pinakamatinding pagsubok, marubdob na nanalangin si Jesus; para patibayin siya, nagsugo si Jehova ng anghel
Paano tayo mapapatibay ng magagandang karanasan ng mga kapatid at ng pagkukuwento nito sa iba?
Halimbawa sa Bibliya:
Gaw 15:2-4—Talagang napatibay ang mga kongregasyon nang dalawin sila ng mga apostol na sina Pablo at Bernabe
3Ju 1-4—Talagang napatibay ang may-edad nang si apostol Juan nang mabalitaan niyang nananatiling tapat ang mga pinangaralan niya ng mabuting balita