Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • scl p. 102-105
  • Panalangin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Panalangin
  • Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay
  • Subtitulo
  • Halimbawa sa Bibliya:
Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay
scl p. 102-105

Panalangin

Paano natin nalaman na pinapakinggan at sinasagot ni Jehova ang mga panalangin?

Aw 65:2; 145:18; 1Ju 5:14

Tingnan din ang Aw 66:19; Gaw 10:31; Heb 5:7

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Ha 18:​36-38—Sinagot agad ni Jehova ang panalangin ni propeta Elias sa Bundok Carmel noong harapin nito ang mga propeta ni Baal

    • Mat 7:​7-11—Pinapasigla tayo ni Jesus na magmatiyaga sa pananalangin, at tiniyak niyang si Jehova ay isang mapagmahal na Ama na nakikinig sa atin

Kanino lang dapat manalangin ang mga Kristiyano?

Aw 5:​1, 2; 69:13; Mat 6:9; Fil 4:6

Sa pangalan nino tayo nananalangin?

Ju 15:16; 16:​23, 24

Kaninong mga panalangin ang pinapakinggan ni Jehova?

Gaw 10:​34, 35; 1Pe 3:12; 1Ju 3:22; 5:14

Kaninong mga panalangin ang hindi pinapakinggan ni Jehova?

Kaw 15:29; 28:9; Isa 1:15; Mik 3:4; San 4:3; 1Pe 3:7

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Jos 24:​9, 10—Hindi pinakinggan ni Jehova si Balaam dahil laban sa kalooban Niya ang hinihiling nito

    • Isa 1:​15-17—Hindi pinakinggan ni Jehova ang panalangin ng bayan dahil mapagkunwari sila at nagkasala sa dugo

Ano ang kadalasang sinasabi natin sa dulo ng panalangin, at bakit?

1Cr 16:36; Aw 41:13; 72:19; 89:52; 1Co 14:16

May binabanggit ba ang Bibliya na espesipikong posisyong dapat sundin kapag nananalangin tayo?

1Ha 8:54; Mar 11:25; Luc 22:​39, 41; Ju 11:41

Tingnan din ang Jon 2:1

Ano ang mga puwedeng ipanalangin ng mga lingkod ni Jehova kapag nagtitipon sila para sumamba?

Gaw 4:​23, 24; 12:5

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Cr 29:​10-19—Pinangunahan ni Haring David ang kongregasyon ng Israel sa pananalangin noong magbigay sila ng donasyon para sa templo

    • Gaw 1:​12-14—Ang mga apostol, mga kapatid ni Jesus, si Maria na ina ni Jesus, at ang iba pang tapat na mga babae ay nanalanging magkakasama sa isang silid sa itaas sa Jerusalem

Kapag nananalangin, bakit hindi natin dapat itaas ang sarili natin o pahangain ang iba?

Mat 6:5; Luc 18:​10-14

Bakit dapat tayong manalangin bago kumain?

Mat 14:19; Gaw 27:35; 1Co 10:​25, 26, 30, 31

Bakit dapat tayong patuloy na manalangin sa ating Ama sa langit?

Ro 12:12; Efe 6:18; 1Te 5:17; 1Pe 4:7

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Dan 6:​6-10—Patuloy na nanalangin nang hayagan si propeta Daniel kahit na puwede siyang ipapatay dahil dito

    • Luc 18:​1-8—Ginamit ni Jesus ang ilustrasyon tungkol sa di-matuwid na hukom na pinagbigyan ang isang babaeng paulit-ulit na humihiling ng katarungan; ipinapakita nito na makikinig ang ating matuwid na Ama sa mga lingkod niya na patuloy na nananalangin

Ano ang dapat na maging saloobin natin para pakinggan ng Diyos ang paghiling natin ng kapatawaran?

2Cr 7:​13, 14

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Ha 22:​11-13, 18-20—Dahil nagpakumbaba si Haring Josias at gusto niyang mapalugdan si Jehova, pinagpakitaan siya ng awa at kabaitan

    • 2Cr 33:​10-13—Mapagpakumbabang nanalangin si Haring Manases kaya pinatawad siya ni Jehova at ginawang hari ulit

Ano ang dapat nating gawin kung gusto nating patawarin tayo ni Jehova?

Mat 6:​14, 15; Mar 11:25; Luc 17:​3, 4

Bakit dapat nating sabihin sa panalangin na gusto nating mangyari ang kalooban ng Diyos?

Mat 6:10; Luc 22:​41, 42

Bakit dapat makita sa mga panalangin natin na nagtitiwala tayo sa ating Ama sa langit?

Mar 11:24; Heb 6:10; San 1:​5-7

Ano ang mga puwede nating isama sa panalangin?

Pagpapabanal sa pangalan ng Diyos

Luc 11:2

Pagdating ng Kaharian ng Diyos para mamahala sa buong lupa

Mat 6:10

Mangyari ang kalooban ni Jehova

Mat 6:10; 26:42

Materyal na pangangailangan natin

Luc 11:3

Mapatawad ang mga kasalanan natin

Dan 9:19; Luc 11:4

Tulong kapag natutukso tayo

Mat 6:13

Pasasalamat

Efe 5:20; Fil 4:6; 1Te 5:​17, 18

Paghiling ng kaalaman tungkol sa kalooban ng Diyos, ng kaunawaan, at ng karunungan

Kaw 2:​3-6; Fil 1:9; San 1:5

Tingnan din ang Aw 119:34

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Ha 3:​11, 12—Natuwa si Jehova nang humiling si Haring Solomon ng karunungan, at binigyan niya ito ng walang-katulad na karunungan

Paghiling ng banal na espiritu

Luc 11:13; Gaw 8:​14, 15

Tulong para sa mga kapananampalataya, kasama na ang mga pinag-uusig

Gaw 12:5; Ro 15:​30, 31; San 5:16

Tingnan din ang Col 4:12; 2Ti 1:3

Papuri

Aw 86:12; Isa 25:1; Dan 2:23

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Luc 10:21—Hayagang pinuri ni Jesus ang kaniyang Ama dahil isiniwalat Niya ang katotohanan sa mga mapagpakumbabang gaya ng mga bata

    • Apo 4:​9-11—Ibinibigay ng mga anghel ang kaluwalhatian kay Jehova at ang karangalang nararapat sa kaniya

Paghiling na mapakilos ang mga nasa awtoridad na hayaan tayong sumamba kay Jehova at mangaral sa mga tao

Mat 5:44; 1Ti 2:​1, 2

Tingnan din ang Jer 29:7

Bakit dapat tayong manalangin sa panahon ng bautismo natin?

Luc 3:21

Bakit dapat nating ipanalangin ang mga may sakit sa espirituwal?

San 5:​14, 15

Bakit hindi naglalambong ang mga lalaki kapag nananalangin, at bakit may mga pagkakataong naglalambong ang mga babae kapag nananalangin?

1Co 11:​2-16

Ano ang mas mahalaga kaysa sa haba o tindi ng panalangin?

Pan 3:41; Mat 6:7

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Ha 18:​25-29, 36-39—Bilang sagot sa hamon ni propeta Elias, ilang oras na tumatawag kay Baal ang mga propeta niya pero walang nangyari

    • Gaw 19:​32-41—Ang mga taga-Efeso na sumasamba sa idolo ay dalawang oras na tumatawag sa diyosang si Artemis, pero wala silang napala at sinaway pa sila ng pinuno ng lunsod

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share