Jesu-Kristo
Bakit napakahalaga ng papel ni Jesus sa katuparan ng mga layunin ni Jehova?
Gaw 4:12; 10:43; 2Co 1:20; Fil 2:9, 10
Tingnan din ang Kaw 8:22, 23, 30, 31; Ju 1:10; Apo 3:14
Halimbawa sa Bibliya:
Mat 16:13-17—Sinabi ni apostol Pedro na si Jesus ang Kristo at ang Anak ng Diyos
Mat 17:1-9—Nagbagong-anyo si Jesus sa harap ng tatlong apostol niya, at nagsalita si Jehova mula sa langit tungkol sa Anak niya
Bakit naiiba si Jesus sa lahat ng tao?
Ju 8:58; 14:9, 10; Col 1:15-17; 1Pe 2:22
Halimbawa sa Bibliya:
Mat 21:1-9—Nang pumasok si Jesus sa Jerusalem sakay ng asno, natupad ang hula tungkol sa Mesiyanikong Hari, na pinili ni Jehova
Heb 7:26-28—Ipinaliwanag ni apostol Pablo kung bakit naiiba si Jesus, ang mas dakilang Mataas na Saserdote, sa lahat ng iba pang mataas na saserdote
Ano ang itinuturo ng mga himala ni Jesus tungkol sa kaniya at sa kaniyang Ama?
Halimbawa sa Bibliya:
Mat 4:23, 24—Ipinakita ni Jesus na mas makapangyarihan siya sa mga demonyo at na kaya niyang pagalingin ang anumang sakit
Mat 14:15-21—Makahimalang pinarami ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda para pakainin ang libo-libong tao
Mat 17:24-27—Makahimalang naglaan si Jesus ng pambayad ng buwis sa templo para hindi siya makatisod
Mar 1:40, 41—Dahil sa awa, pinagaling ni Jesus ang isang ketongin; ipinapakita nito na gusto niya talagang pagalingin ang mga maysakit
Mar 4:36-41—Pinatigil ni Jesus ang isang malakas na bagyo; ipinapakita nito na binigyan siya ng kaniyang Ama ng kapangyarihang kontrolin ang puwersa ng kalikasan
Ju 11:11-15, 31-45—Umiyak si Jesus nang mamatay ang kaibigan niyang si Lazaro; para ipakitang ayaw niya sa kamatayan at sa epekto nito, binuhay niya si Lazaro
Ano ang pinakamensahe ng mga turo ni Jesus?
Ano ang ilang magagandang katangiang ipinakita ni Jesus noong nandito siya sa lupa? Tingnan kung paano siya naging . . .
Maawain; mapagmalasakit—Mar 5:25-34; Luc 7:11-15
Madaling lapitan—Mat 13:2; Mar 10:13-16; Luc 7:36-50
Mapagmahal—Ju 13:1; 14:31; 15:13; 1Ju 3:16
Mapagpakumbaba—Mat 11:29; 20:28; Ju 13:1-5; Fil 2:7, 8
Marunong—Mat 12:42; 13:54; Col 2:3
Masunurin—Luc 2:40, 51, 52; Heb 5:8
Matapang—Mat 4:2-11; Ju 2:13-17; 18:1-6
Bakit ibinigay ni Jesus ang buhay niya, at paano tayo nakikinabang?
Bakit dapat tayong magsaya na naghahari na si Jesu-Kristo sa langit?
Aw 72:12-14; Dan 2:44; 7:13, 14; Apo 12:9, 10
Halimbawa sa Bibliya:
Aw 45:2-7, 16, 17—Makikita sa awit na ito na tatalunin ng piniling Hari ng Diyos ang lahat ng kaaway niya; magiging tapat, mapagpakumbaba, at matuwid siyang tagapamahala
Isa 11:1-10—Kapag naghari na si Jesus, magiging isang mapayapang paraiso na ang lupa