Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • scl p. 32-34
  • Kaaliwan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kaaliwan
  • Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay
Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay
scl p. 32-34

Kaaliwan

Tulong mula sa Bibliya para sa iba’t ibang dahilan ng pagkasira ng loob

Di-mawala-walang sama ng loob dahil sa pang-aapi

Tingnan ang “Pang-aapi”

Galit; hinanakit

Hinanakit dahil sa mga problema o kawalang-katarungan

Ec 9:​11, 12

Tingnan din ang Aw 142:4; Ec 4:1; 7:7

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Ru 1:​11-13, 20—Namatayan ng asawa at dalawang anak si Noemi kaya pakiramdam niya, pinabayaan na siya ni Jehova

    • Job 3:​1, 11, 25, 26; 10:1—Naghinanakit si Job dahil naghirap siya, namatayan ng 10 anak, at nagkasakit

  • Tekstong nakakapagpatibay:

    • Ro 12:19; San 1:13

  • Ulat na nakakapagpatibay:

    • Ru 1:​6, 7, 16-18; 2:​2, 19, 20; 3:1; 4:​14-16—Naging masaya ulit si Noemi nang bumalik siya sa bayan ng Diyos, tumanggap ng tulong, at tumulong din sa iba

    • Job 42:​7-16; San 5:11—Dahil sa pananampalataya, nagtiis si Job, at sagana siyang pinagpala ni Jehova

Hinanakit dahil sa hindi magandang pagtrato ng iba

Ec 4:​1, 2

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 1:​6, 7, 10, 13-16—Sobrang nasaktan si Hana dahil sa pang-aapi ni Penina at panghuhusga ng mataas na saserdoteng si Eli

    • Job 8:​3-6; 16:​1-5; 19:​2, 3—Dahil mapagmatuwid at mapanghusga ang mga di-tunay na kaibigan ni Job, lalo siyang nasaktan

  • Tekstong nakakapagpatibay:

    • Aw 37:​8, 9; Efe 4:26

  • Ulat na nakakapagpatibay:

    • 1Sa 1:​9-11, 18—Pagkatapos ibuhos ni Hana ang nilalaman ng puso niya kay Jehova, gumaan ang loob niya

    • Job 42:​7, 8, 10, 17—Nang patawarin ni Job ang tatlong kasamahan niya, pinagpala siya ni Jehova

Inggit

Tingnan ang “Inggit”

Limitasyon dahil sa pagkakasakit o pagtanda

Aw 71:​9, 18; Ec 12:​1-7

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Ha 20:​1-3—Umiyak nang husto si Haring Hezekias dahil nagkasakit siya at malapit nang mamatay

    • Fil 2:​25-30—Lungkot na lungkot si Epafrodito dahil nalaman ng kongregasyon na nagkasakit siya; nag-aalala siya na baka isipin nilang hindi niya nagampanan ang atas niya

  • Tekstong nakakapagpatibay:

    • Aw 92:​12-14; Isa 40:​29-31; 46:4; 2Co 8:12

  • Ulat na nakakapagpatibay:

    • 2Sa 17:​27-29; 19:​31-38—Mataas ang tingin ng hari kay Barzilai at inimbitahan siyang pumunta sa Jerusalem; dahil iniisip niyang matanda na siya, mapagpakumbaba niyang tinanggihan ang atas

    • Aw 41:​1-3, 12—Noong may malubhang sakit si Haring David, umasa siya na tutulungan siya ni Jehova

    • Mar 12:​41-44—Pinuri ni Jesus ang mahirap na biyuda dahil ibinigay niya ang lahat ng mayroon siya

Pag-aalala

Tingnan ang “Pag-aalala”

Pagdududa kung mahalaga ba tayo

Tingnan ang “Pagdududa”

Pagkadismaya dahil binigo tayo ng iba, sinaktan, o tinraidor

Tingnan ang “Pagkadismaya”

Pagkadismaya dahil sa sariling kahinaan at kasalanan

Tingnan ang “Pagkadismaya”

Pag-uusig

Tingnan ang “Pag-uusig”

Pakiramdam na hindi natin kaya ang isang hamon o atas

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Exo 3:11; 4:10—Iniisip ni Moises na hindi niya kayang humarap sa Paraon at ilabas ang mga Israelita mula sa Ehipto

    • Jer 1:​4-6—Pakiramdam ni Jeremias, bata pa siya at walang karanasan para maging propeta ni Jehova sa isang bayang matigas ang ulo

  • Tekstong nakakapagpatibay:

    • Aw 29:11; Isa 40:29; 2Co 3:​4, 5; 4:7

  • Ulat na nakakapagpatibay:

    • Exo 3:12; 4:​11, 12—Paulit-ulit na tiniyak ni Jehova na tutulungan niya ang propetang si Moises sa atas nito

    • Jer 1:​7-10—Tiniyak ni Jehova kay propeta Jeremias na sa tulong Niya, makakayanan niya ang mga hamon

Sobrang pagkakonsensiya

Ezr 9:6; Aw 38:​3, 4, 8; 40:12

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Ha 22:​8-13; 23:​1-3—Nang marinig ni Haring Josias at ng bayan ang Kautusan ni Moises, nalaman nilang napakalaki ng kasalanan nila

    • Ezr 9:​10-15; 10:​1-4—Sobrang nakonsensiya ang saserdoteng si Ezra at ang bayan dahil sinuway ng ilan si Jehova at nag-asawa ng mga banyaga

    • Luc 22:​54-62—Lungkot na lungkot si apostol Pedro dahil tatlong beses niyang ikinaila si Jesus

  • Tekstong nakakapagpatibay:

    • Aw 32:5; 103:​9-14; Isa 1:18; Gaw 3:19

    • Tingnan din ang Isa 38:17; Mik 7:​18, 19

  • Ulat na nakakapagpatibay:

    • 2Cr 33:​9-13, 15, 16—Si Manases ang pinakamasamang hari ng Juda; pero nagsisi siya at pinatawad

    • Luc 15:​11-32—Ginamit ni Jesus ang ilustrasyon tungkol sa nawawalang anak para ipakitang lubusang nagpapatawad si Jehova

Sobrang takot

Tingnan ang “Takot”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share