ANDRONICO
[Manlulupig ng Tao].
Isang tapat na Judiong Kristiyano sa kongregasyon sa Roma, na pinadalhan ni Pablo ng mga pagbati. Tinawag ni Pablo sina Andronico at Junias na “mga kamag-anak ko.” Bagaman ang salitang Griego na ginamit dito (syg·ge·nesʹ) ay maaaring mangahulugan ng “mga kababayan” sa mas malawak na diwa nito, ang pangunahing kahulugan nito ay “mga kadugo sa kaparehong salinlahi.” Ipinahihiwatig ng konteksto na malamang na may gayong kaugnayan si Andronico kay Pablo. Tulad ni Pablo, si Andronico ay nakaranas na mabilanggo, naging isang “lalaking kinikilala” sa gitna ng mga apostol, at nauna kay Pablo na maging Kristiyano.—Ro 16:7.