ASINCRITO
[Walang Katulad].
Isang Kristiyano sa Roma na pinadalhan ng apostol na si Pablo ng pagbati sa kaniyang kinasihang liham sa mga taga-Roma na isinulat mula sa Corinto noong mga 56 C.E. (Ro 16:14) Wala nang iba pang impormasyon sa Kasulatan tungkol kay Asincrito; gayunman, ipinakikita ng arkeolohikal na katibayan sa mga inskripsiyon at papiro na ang Asincrito ay isang karaniwang pangalan noong panahong iyon.