BAAL-TAMAR
[May-ari ng Puno ng Palma].
Isang lugar na malapit sa Gibeah kung saan humanay ang mga lalaking mandirigma ng Israel laban sa tribo ni Benjamin sa isang kapaha-pahamak na pagbabaka na nagsimula dahil sa isang nakaririmarim na krimen sa sekso. Ang ilan sa mga hukbo ng Israel ay tinipon sa Baal-tamar, samantalang ang iba naman ay inilagay upang manambang laban sa mga Benjamita. (Huk 19:25-28; 20:33) Hindi matiyak kung saan ang lokasyon ng Baal-tamar.