BET-MERHAK
[Bahay sa Malayo; Malayong Bahay].
Nang lisanin ni Haring David ang Jerusalem dahil sa paghihimagsik ng kaniyang anak na si Absalom, huminto siya sa Bet-merhak, marahil ay ang huling bahay sa Jerusalem sa direksiyon na patungo sa Bundok ng mga Olibo bago tumawid sa Libis ng Kidron. (2Sa 15:17, 23) Waring noong pagkakataong iyon ay sinuri ni Haring David ang kaniyang mga hukbo habang tumatawid sila sa libis, sa gayon ay nagpapahiwatig na hindi sila tumakas nang nagkakagulo kundi lumisan sila nang maayos mula sa lunsod.—2Sa 15:18-26.