Lambak ng Kidron
Pinaghihiwalay ng Lambak ng Kidron (Nahal Qidron) ang Jerusalem at Bundok ng mga Olibo. Dumadaloy ito sa silangang panig ng lunsod, mula sa hilaga patimog. Nagsisimula ang lambak malapit sa pader ng Jerusalem sa bandang hilaga. Malapad at mababaw ang bunganga nito, pero unti-unti itong kumikitid at lumalalim. Katapat ito ng timugang bahagi ng dating kinatatayuan ng templo. May lalim itong mga 30 m (100 ft) at lapad na 120 m (390 ft), pero lumilitaw na mas malalim ito noong panahon ni Jesus. Umaabot ang lambak na ito sa ilang ng Judea hanggang sa Dagat na Patay. Ito ang lambak na tinawid ni Jesus papuntang hardin ng Getsemani matapos niyang pasimulan ang Hapunan ng Panginoon noong Nisan 14, 33 C.E.—Ju 18:1.
1. Lambak ng Kidron
2. Bundok ng Templo
3. Bundok ng mga Olibo (ang bahaging makikita rito ay punô ng libingan)
Kaugnay na (mga) Teksto: