Bundok ng mga Olibo
Ang Bundok ng mga Olibo (1) ay dugtong-dugtong na mga burol na batong-apog na nasa silangang panig ng Jerusalem. Nasa pagitan nito at ng lunsod ang Lambak ng Kidron. Ang pinakamataas na bahagi nito na katapat ng bundok ng templo (2) ay mga 812 m (2,664 ft), at ang bahaging ito ang karaniwang tinutukoy sa Bibliya na Bundok ng mga Olibo. Nasa Bundok ng mga Olibo si Jesus nang ipaliwanag niya sa mga alagad ang tanda ng presensiya niya.
Kaugnay na (mga) Teksto: