HAWLA, KULUNGAN
[sa Ingles, cage].
Isang kayariang pinaglalagyan ng mga ibon o ng ibang mga hayop upang hindi makawala ang mga ito. (Jer 5:27; ihambing ang Am 8:1, 2, kung saan ang salitang Hebreo ring iyon na keluvʹ ay isinasalin bilang “basket.”) Maliwanag, tinukoy ng propetang si Ezekiel si Haring Zedekias ng Juda sa pamamagitan ng larawan ng isang leon na inilagay sa isang kulungan, (sa Heb., su·gharʹ) at dinala sa hari ng Babilonya.—Eze 19:9; ihambing ang Eze 12:13; 17:20; 2Ha 25:5-7.