Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Kapitan ng Templo”
  • Kapitan ng Templo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapitan ng Templo
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Sa Mesa ng Kapitan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Kapitan ng Templo”

KAPITAN NG TEMPLO

Ang opisyal na pumapangalawa sa mataas na saserdote sa karangalan (Gaw 4:1). Siya ang nangangasiwa sa mga nanunungkulang saserdote at sa mga Levitang nasa ilalim ng nakabababang mga kapitan at inatasang magbantay sa templo sa Jerusalem at magpanatili ng kaayusan. (Luc 22:4, 52) Ang mga Levita ay inorganisa sa 24 na pangkat, at ang mga pangkat na ito ay halinhinang naglilingkod nang lingguhan, makalawang ulit sa isang taon. Malamang na mayroon ding nangangasiwang kapitan sa bawat pangkat, anupat may iba pang mga kapitan sa mas maliliit na grupo.

Maimpluwensiyang mga tao ang mga kapitan. Nakipagsabuwatan sila sa mga punong saserdote nang upahan ng mga ito si Hudas upang ipagkanulo si Jesus. Nagdala sila ng kanilang mga tauhan kasama ng mga saserdote upang arestuhin si Jesus. (Luc 22:3, 4, 52) Nagtinging legal ang pag-aresto kina Pedro at Juan sa templo dahil kasama sa mga nang-aresto ang kapitan ng templo. (Gaw 4:1, 3) Noong ibang pagkakataon naman, pagkatapos palayain ng isang anghel si Pedro at ang ilang mga apostol mula sa bilangguan, pumaroon sa kanila ang kapitan ng templo kasama ang kaniyang mga opisyal upang dalhin sila sa harap ng Sanedrin sa tila legal at walang-dahas na paraan.​—Gaw 5:24-26.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share