Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Colosas”
  • Colosas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Colosas
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Introduksiyon sa Colosas
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Aklat ng Bibliya Bilang 51—Mga Taga-Colosas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Colosas, Liham sa mga Taga-
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Epafras—“Isang Tapat na Ministro ng Kristo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Colosas”

COLOSAS

[posible, Pagkalaki-laki].

Isang lunsod ng TK Asia Minor. Noong mga araw ng apostol na si Pablo, ang Colosas ay nasa Romanong probinsiya ng Asia, bagaman ito ay bahagi ng sinaunang rehiyon ng Frigia. Sa kasalukuyan, ang lugar na ito ay hindi tinatahanan. Malapit ito sa itaas na dulo ng libis ng Ilog Lycus, mga 18 km (11 mi) sa STS ng Laodicea (malapit sa makabagong Denizli). Ang libis ng Ilog Lycus ay makitid sa rehiyon ng Colosas, napapaderan ng matataas na dalisdis, ngunit lumalapad habang patungo ito sa dakong HK at sa pinagsasalubungan ng Lycus at ng Ilog Maeander (Menderes). Sa libis na ito bumabagtas ang pangunahing lansangan na nagmumula sa Efeso at sa Baybaying Aegeano patungo sa S hanggang sa Eufrates. Isang lansangan ang nagsasanga mula roon patungong Sardis at Pergamo sa dakong HK. Gayunman, noong yugtong Romano, binago ang sistema ng mga lansangan, at ang Colosas ay nahigitan ng Laodicea at ng karatig na Hierapolis (Col 4:13) sa kahalagahan. Gayunpaman, patuloy na nakilala ang Colosas bilang isang sentro ng paggawa ng mga tela, anupat napabantog ito dahil sa mainam na lana nito na may kakaibang tingkad, tinatawag na colossinus. Ang Colosas ay nasa gilid ng liblib na tuyong lupain, kung saan pinanginginain ang mga kawan ng tupa. Mga 5 km (3 mi) sa dakong T ay naroon ang Honaz Dagi (Bdk. Cadmus) na may taas na 2,750 m (9,020 piye), anupat ang natutunaw na niyebe nito ay dumadaloy sa mga ilog na umaagos nang lampas pa sa Colosas.

May mga Frigiano sa Jerusalem noong araw ng Pentecostes, 33 C.E., marahil ang ilan sa kanila ay mula sa Colosas. (Gaw 2:10) Bagaman ang Colosas ay nasa pangunahing S-K ruta, naniniwala ang karamihan sa mga iskolar na tinahak ni Pablo ang isang mas hilagaang ruta noong kaniyang ikatlong paglalakbay bilang misyonero, kung saan naglakbay siya sa katihan patungong Efeso. (Gaw 18:22, 23; 19:1) Ipinahihiwatig ng kaniyang liham sa mga taga-Colosas na hindi pa siya nakadadalaw sa Colosas at na ang kongregasyon doon ay bunga ng gawain ni Epafras, na inilarawan ni Pablo bilang kumakatawan sa kaniya at sa kaniyang mga kamanggagawa sa pamamagitan ng may-katapatang paglilingkod sa mga mananampalataya sa Colosas. (Col 1:7, 8; 2:1; 4:12) Gayunman, kilala ni Pablo ang ilang Kristiyano sa Colosas. Binanggit niya sina Onesimo, Arquipo, Filemon, at Apia.​—Col 4:9, 17; Flm 1, 2, 10-12.

Karagdagan pa sa orihinal na populasyong Frigiano ng Colosas ay ang mga elementong Griego at Judio. (Ihambing ang Col 3:11.) Ang sinaunang mga Frigiano ay nagpamalas ng matinding hilig sa panatisismo sa espiritismo, ang mga Griego ay nagbigay-daan sa maraming espekulasyon at sa mga argumento sa pilosopiya, at ang mga Judio naman ay mga tagapagtaguyod ng Kautusang Mosaiko at ng mga kahilingan nito hinggil sa pagkain at sabbath. Ang lahat ng mga saloobing ito ay tinalakay sa payo ni Pablo sa kongregasyon sa Colosas.​—Col 2:4, 8, 16, 18, 20-23.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share