HERODION
Isa na pinadalhan ni Pablo ng personal na mga pagbati sa kaniyang liham sa kongregasyong Kristiyano sa Roma. Tinukoy ni Pablo si Herodion bilang “kamag-anak ko.” (Ro 16:11) Ipinapalagay ng ilan na nangangahulugan lamang ito na si Herodion ay isang kapuwa Judio sa halip na isang kapamilya ni Pablo, dahil sa paggamit ng apostol ng katawagang “mga kamag-anak” sa Roma 9:3. Gayunman, yamang hindi tinutukoy ni Pablo bilang “mga kamag-anak ko” (ihambing ang Gaw 18:2; Ro 16:3) ang lahat ng mga Judio na pinadalhan niya ng mga pagbati, malamang na isang mas malapit na kamag-anak ang tinutukoy.—Tingnan ang ANDRONICO.