LASARON
Isang maharlikang Canaanitang lunsod. Ang hari nito ay tinalo ng mga Israelita sa ilalim ng pangunguna ni Josue. (Jos 12:7, 8, 18) Karaniwang ipinapalagay na ang Lasaron ay ang distritong tinatawag na Sarona, na ayon kay Eusebius ay nasa pagitan ng Bundok Tabor at ng Dagat ng Galilea. Posibleng ang makabagong Sarona (Sharona), na mga 10 km (6 na mi) sa TK ng Tiberias, ang lokasyon ng sinaunang lugar na ito.