MATRITA, MGA
[Ni (Kay) Matar (Ulan [sa gayon ay ipinanganak nang tag-ulan])].
Isang Benjamitang pamilya na kinabibilangan ni Haring Saul ng Israel. (1Sa 10:21) Ginagamit ng King James Version ang pangalang “Matri.” Gayunman, ang salitang Hebreo rito na mat·riʹ ay may kasamang pamanggit na pantukoy. Kaya ang Bagong Sanlibutang Salin ay angkop na kababasahan ng “mga Matrita,” gaya ng iba pang makabagong salin.—AS; AT; RS.