MATTAN
[Kaloob].
1. Isang saserdote ni Baal na pinatay sa harap ng mga altar sa bahay ng huwad na diyos na iyon. Naganap ito nang ibagsak ng bayan, na pinangunahan ni Jehoiada na saserdote ni Jehova, ang bahay ni Baal at wasakin ang mga altar nito at gayundin ang mga imahen nito. Nang panahong iyon ang mang-aagaw ng kapangyarihan na si Athalia ay pinatay, at si Jehoas ay itinalaga bilang hari ng Juda.—2Ha 11:16-21; 2Cr 23:17.
2. Ang ama ng mang-uusig ni Jeremias na si Sepatias.—Jer 38:1, 4-6.