Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Merom, Tubig ng”
  • Merom, Tubig ng

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Merom, Tubig ng
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Jabin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hazor
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Canaan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Simron-meron
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Merom, Tubig ng”

MEROM, TUBIG NG

[Mataas na (Dinakilang) Dako].

Dito nagkampo ang magkakaalyadong hukbong Canaanita sa ilalim ng pamumuno ni Jabin na hari ng Hazor bago sila tinalo ni Josue. Malamang na sa unang pagkakataon ay nakasagupa ng mga Israelita ang mga Canaanita na nasasandatahan ng mga kabayo at mga karo. Makikita natin ito sa mga itinagubilin ng Diyos kay Josue na sunugin nila ang mga karo at pilayin nila ang mga kabayo.​—Jos 11:1-9.

Gaya ng ipinaliwanag ni Y. Aharoni, “Malamang na ang ‘tubig ng Merom’ ay ang pinagkukunan ng tubig ng lunsod ng Merom na sa tabi nito’y nagtipon ang mga hukbong Canaanita. Ang Merom ay kilala kapuwa mula sa mga impormasyong Ehipsiyo noong ikalawang milenyo [B.C.E.] . . . at mula sa ulat ni Tiglat-pileser III tungkol sa kaniyang ekspedisyon sa Galilea . . . Karaniwang kinikilala na ang Merom ay ang Meirun na nasa paanan ng Jebel Jarmaq, ngunit dahil walang gulod sa lugar na ito na magpapatunay na gayon nga, mas pinapaboran na iugnay ito sa isang lugar na nasa mas gawing hilaga pa. Ang pangalan nito ay posibleng napanatili sa Jebel Marun at Marun er-Ras, at maaari nating isaalang-alang ang palagay na ito’y ang Tell el-Khirbeh, na isa sa malalaking gulod sa Canaan sa timugang bahagi ng Mataas na Galilea ng Canaan. Mula sa Hazor, ang deretsong distansiya ng dalawang iminumungkahing lugar ay mga pito hanggang walong milya.”​—The Land of the Bible, isinalin at inedit ni A. Rainey, 1979, p. 225, 226.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share