MOLADA
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “magsilang; maging ama ni; magluwal”].
Isa sa mga lunsod sa timugang Juda na itinakda sa Simeon. Nanatili ang Molada sa kamay ng tribong ito hanggang noong panahon ng paghahari ni David. (Jos 15:21, 26; 19:1, 2; 1Cr 4:24, 28, 31) Pagkatapos ng pagkatapon, muling tinirahan ng mga Judeano ang lugar na ito.—Ne 11:25, 26.
Ang lokasyon ng Molada ay hindi pa natutukoy nang tiyakan.