PETAHIAS
[Binuksan ni Jah [ang Bahay-bata]].
1. Ang sambahayan sa panig ng ama na napili para sa ika-19 sa 24 na nagririlyebong pangkat ng mga saserdote na inorganisa ni David.—1Cr 24:5-7, 16.
2. Isa sa mga Levita na pinatibay-loob ni Ezra na paalisin ang kanilang mga asawang banyaga. (Ezr 10:23, 44) Posibleng siya rin ang Blg. 3.
3. Isa sa mga Levita na sumama sa pagpapanukala ng “mapagkakatiwalaang kaayusan” sa pinabalik na mga tapon kung saan sinariwa nila sa alaala ang kasaysayan ng mga pakikitungo ng Diyos sa kanilang bansa, ipinagtapat ang kanilang pagkakasala, at sumang-ayong ipanumbalik ang tunay na pagsamba. (Ne 9:5-38) Posibleng siya rin ang Blg. 2.
4. Isang tagapamagitan, nabuhay pagkaraan ng pagkatapon, para sa isinauling mga tapon at sa Persianong hari; anak ni Mesezabel at inapo ni Zera sa tribo ni Juda.—Ne 11:24.