MESEZABEL
1. Isang lalaki ng Juda na mula sa pamilya ni Zera, na ang “anak” na si Petahias “ay nasa tabi ng hari para sa bawat bagay na tungkol sa bayan.”—Ne 11:24.
2. Ama ni Berekias at ninuno ng Mesulam na nagkumpuni sa pader ng Jerusalem noong mga araw ni Nehemias.—Ne 3:4.
3. Isa sa “mga ulo ng bayan,” o ang kaniyang inapo, na nagpatotoo sa pamamagitan ng tatak sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” noong panahon ni Nehemias.—Ne 9:38; 10:1, 14, 21.