Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Mesulam”
  • Mesulam

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mesulam
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Bani
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Maaseias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Hasabias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Sallu
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Mesulam”

MESULAM

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “makipagpayapaan; magbayad; gumanti”].

1. Isang ulo ng pamilya sa tribo ni Benjamin na nanirahan sa Jerusalem; anak ni Elpaal.​—1Cr 8:1, 17, 18, 28.

2. Isang Gaditang tumatahan sa Basan na nakatala sa talaangkanan bilang isang anak ni Abihail noong panahon ng mga paghahari ni Jotam at ni Jeroboam II (lumilitaw na dalawang magkaibang pagkakatala, sapagkat ang mga paghahari ng mga haring ito ay hindi nagpang-abot).​—1Cr 5:11, 13, 14, 16, 17.

3. Lolo o ninuno ng kalihim ni Haring Josias na si Sapan.​—2Ha 22:3.

4. Ama o ninuno ng mataas na saserdoteng si Hilkias noong naghahari si Haring Josias. (1Cr 9:11; Ne 11:11) Marahil si Mesulam mismo ay gumanap bilang mataas na saserdote. Ang ilan sa kaniyang mga inapo ay nanirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya. Lumilitaw na tinatawag siyang Salum sa 1 Cronica 6:12, 13 at Ezra 7:2.​—Tingnan ang SALUM Blg. 7.

5. Isang Kohatitang Levita, isa sa ilan na nangangasiwa sa pagkukumpuni ng templo sa ilalim ni Haring Josias.​—2Cr 34:1, 8, 12.

6. Isang saserdote na ang mga inapo (di-kukulangin sa tatlong salinlahi pagkatapos niya) ay nanirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.​—1Cr 9:2, 3, 10, 12.

7. Isang Benjamita na ang anak na si Sallu ay isang ulo ng pamilya sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya. (1Cr 9:3, 7, 9) Ipinapalagay na siya rin ang Mesulam na nakatala sa Nehemias 11:7.

8. Isang Benjamitang ulo ng pamilya na nanirahan mismo sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon.​—1Cr 9:3, 7-9.

9. Ang unang nakatalang anak ni Gobernador Zerubabel; inapo ni Haring David.​—1Cr 3:1, 19.

10. Ulo ng makasaserdoteng sambahayan ni Ezra sa panig ng ama noong mga araw ng kahalili ni Jesua na si Joiakim. (Ne 12:12, 13) Posibleng siya rin ang Blg. 18 o 19.

11. Ulo ng sambahayan ng mga saserdote sa panig ng ama na nagmula kay Gineton; noong panahon ng panunungkulan ni Joiakim. (Ne 12:12, 16) Posibleng siya rin ang Blg. 18 o 19.

12. Isang bantay ng pintuang-daan noong mga araw nina Joiakim, Ezra, at Nehemias.​—Ne 12:25, 26.

13. Isang pangulo sa gitna ng bayan na nagkatipon sa ilog ng Ahava para sa paglalakbay patungong Jerusalem kasama ni Ezra noong 468 B.C.E. Si Mesulam ay isa sa ilan na inatasan ni Ezra na tumulong sa pagtitipon ng maraming Levita at Netineo upang isama sa paglalakbay. (Ezr 8:15-20) Posibleng siya rin ang Blg. 16, 17, 20, o 21.

14. Isang Levita na marahil ay sumalansang sa payo na paalisin ang mga asawang banyaga na nasumpungan ni Ezra sa gitna ng mga Israelita nang bumalik siya sa Jerusalem. Gayunman, ang teksto ay maaaring unawain na sumalansang lamang siya sa pamamaraang ginamit sa pagpapatupad nito.​—Ezr 10:10-15, tlb sa Rbi8.

15. Isa sa “mga anak” o mga inapo ni Bani na malugod na tumugon sa payo ni Ezra sa pamamagitan ng pagpapaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak.​—Ezr 10:29, 44.

16. Anak ni Berekias na sa ilalim ng pangangasiwa ni Gobernador Nehemias ay nagkumpuni ng dalawang bahagi ng pader ng Jerusalem. (Ne 3:4, 30) Ibinigay rin ni Mesulam ang kaniyang anak na babae upang mapangasawa ni Jehohanan na anak ni Tobia na Ammonita, isang pag-aasawa na naging sanhi ng pagkakabaha-bahagi sa gitna ng mga isinauling Israelita.​—Ne 6:17-19; 4:3; tingnan ang Blg. 13.

17. Isang kasamang tagapagtayong-muli ng Pintuang-daan ng Matandang Lunsod sa proyekto ni Nehemias na pagkukumpuni ng pader; anak ni Besodeias.​—Ne 3:6; tingnan ang Blg. 13.

18. Isa sa mga tumayo sa kaliwa ni Ezra nang bumasa ito mula sa Kautusan sa nagkakatipong pulutong noong ikapitong buwan ng 455 B.C.E. Malamang na si Mesulam ay isang saserdote.​—Ne 8:2, 4; tingnan ang Blg. 10 at 11.

19. Isang saserdote (o ninuno ng isang saserdote) na lumagda sa tipan ng katapatan na ipinanukala ng mga Levita.​—Ne 9:5, 38; 10:1, 7, 8; tingnan ang Blg. 10 at 11.

20. Isang pangulo ng bayan na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo rin sa mismong kontratang iyon.​—Ne 10:1, 14, 20; tingnan ang Blg. 13.

21. Isa na nasa martsa ng pasinaya na isinaayos ni Nehemias nang matapos ang pader ng Jerusalem.​—Ne 12:31, 33; tingnan ang Blg. 13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share