MAASEIAS
[Gawain ni Jehova].
1. Isang Levitang manunugtog ng ikalawang pangkat na tumugtog ng panugtog na de-kuwerdas nang dalhin ang kaban ni Jehova mula sa bahay ni Obed-edom patungong Jerusalem noong mga araw ni David.—1Cr 15:17-20, 25.
2. Isa sa “mga pinuno ng daan-daan” na nakipagtipan sa mataas na saserdoteng si Jehoiada may kaugnayan sa pagtatatag kay Jehoas bilang ang marapat na haring kahalili ng mang-aagaw ng kapangyarihan na si Athalia.—2Cr 23:1.
3. Isang opisyal na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Hananias, isang prinsipe ni Haring Uzias ng Juda. Maliwanag na kasangkot siya sa pagrerehistro ng mga hukbong militar ni Uzias.—2Cr 26:11.
4. Ang “anak ng hari” (isang supling ng Judeanong si Haring Ahaz o posibleng isang opisyal na nagmula sa maharlikang angkan) na pinatay ng Efraimitang si Zicri nang salakayin ni Peka ng Israel ang Juda.—2Cr 28:1, 6, 7.
5. Ang pinuno ng lunsod ng Jerusalem at isa sa mga lalaking isinugo ni Haring Josias upang kumpunihin ang bahay ni Jehova.—2Cr 34:8.
6. Isang saserdote at ama ng isang Zefanias, isang kapanahon ni Jeremias.—Jer 21:1; 29:25; 37:3.
7. Ama ni Zedekias, isang bulaang propeta noong mga araw ni Jeremias.—Jer 29:21.
8. Anak ni Salum na bantay-pinto at maliwanag na isang Levita. Isang silid-kainan sa templo ang iniugnay sa kaniyang pangalan.—Jer 35:4.
9. Isa sa mga anak ng mga saserdote, mula sa sambahayan ni Jesua, na kabilang sa mga kumuha ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito noong panahon ni Ezra.—Ezr 10:18, 19, 44.
10. Isang saserdote na mula “sa mga anak ni Harim,” kabilang sa mga nag-asawa ng mga babaing banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito noong panahon ni Ezra.—Ezr 10:21, 44.
11. Isang saserdote na mula “sa mga anak ni Pasur,” kabilang din sa mga nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga.—Ezr 10:22, 44.
12. Isang Israelita na mula “sa mga anak ni Pahat-moab,” kabilang sa mga nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga.—Ezr 10:25, 30, 44.
13. Ama o ninuno ng isang Azarias, isa sa mga nagkumpuni ng pader ng Jerusalem sa ilalim ng pangangasiwa ni Nehemias.—Ne 3:23.
14. Isang lalaki na tumayo sa kanan ni Ezra nang basahin nito ang Kautusan sa mga Israelitang nagkakatipon sa Jerusalem.—Ne 8:2, 4.
15. Isang Levitang tumulong sa saserdoteng si Ezra sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng Kautusan sa mga Israelitang nagkakatipon sa Jerusalem.—Ne 8:7.
16. Isa sa “mga ulo ng bayan” na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo sa pamamagitan ng tatak sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” noong panahon ni Nehemias.—Ne 9:38; 10:1, 14, 25.
17. Isang lalaki ng Juda na nanirahan sa Jerusalem pagkabalik mula sa pagkatapon sa Babilonya. (Ne 11:4, 5) Maaaring siya rin ang Asaias sa 1 Cronica 9:5.—Tingnan ang ASAIAS Blg. 4.
18. Isang lalaki ng Benjamin na isang ninuno ni Salu, isang tumatahan sa Jerusalem noong panahon ni Nehemias.—Ne 11:7.
19. Isang saserdote na nakibahagi sa pag-aalay ng pader ng Jerusalem noong panahon ni Nehemias.—Ne 12:41.
20. Isa pang saserdote na nakibahagi sa pag-aalay ng pader ng Jerusalem noong mga araw ni Nehemias.—Ne 12:42.