MALKIAS
[Ang Aking Hari ay si Jehova].
1. Isang Levita na nagmula kay Gersom at ninuno ng Levitang manunugtog na si Asap.—1Cr 6:39-43.
2. Inapo ni Aaron at ulo ng ika-5 sa 24 na pangkat ng mga saserdote na inorganisa ni David.—1Cr 24:1, 9.
3. Isang saserdote at ama ni Pasur.—1Cr 9:12; Ne 11:12; Jer 21:1; 38:1.
4. Ang “anak ng hari” na sa imbakang-tubig nito inihagis si Jeremias. (Jer 38:6) Sa pagkakataong ito, ang pananalitang “anak ng hari” ay maaaring tumukoy, hindi sa siya ay supling ng hari, kundi siya ay may malapit na kaugnayan sa maharlikang sambahayan o kaya ay isang opisyal na nagmula sa maharlikang angkan.—Tingnan ang JERAMEEL Blg. 3.
5. Isang Israelita na mula “sa mga anak ni Paros” na kabilang sa mga tumanggap ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito noong mga araw ni Ezra.—Ezr 10:25, 44.
6. Isa pang Israelita na mula “sa mga anak ni Paros” na kabilang sa mga nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga. (Ezr 10:25, 44) Ang Griegong Septuagint ay kababasahan dito ng “Hasabias” sa halip na “Malkias.”
7. Isang lalaki ng Israel na mula “sa mga anak ni Harim” na kabilang sa mga nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak noong panahon ni Ezra.—Ezr 10:31, 44.
8. Isang Israelita, “na anak ni Harim.” Kasama si Hasub, kinumpuni niya ang isang bahagi ng pader ng Jerusalem at ang Tore ng mga Lutuang Pugon pagkabalik mula sa pagkatapon sa Babilonya. (Ne 3:11) Maaaring siya rin ang Blg. 7.
9. Anak ni Recab at prinsipe ng distrito ng Bet-hakerem na nagkumpuni ng Pintuang-daan ng mga Bunton ng Abo noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias.—Ne 3:14.
10. Miyembro ng samahan ng mga panday-ginto na nagkumpuni ng bahagi ng pader ng Jerusalem noong mga araw ni Nehemias.—Ne 3:31.
11. Isang saserdote na tumayo sa kaliwa ni Ezra nang basahin ng tagakopya ang Kautusan sa harap ng mga Israelita sa muling natatag na Jerusalem.—Ne 8:4.
12. Isa sa mga saserdote, o ang ninuno ng isang saserdote, na nagpatotoo sa pamamagitan ng tatak sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias.—Ne 9:38–10:3.
13. Isang saserdote na nakibahagi sa mga seremonya ng pagpapasinaya para sa pader ng Jerusalem na muling itinayo sa ilalim ng pangangasiwa ni Nehemias. (Ne 12:40-42) Maaaring siya rin ang Blg. 11.