HARIM
[Nakatalaga; Ipinagbawal].
1. Isang Aaronikong saserdote na pinili sa pamamagitan ng palabunutan upang pangunahan ang ika-3 sa 24 na pangkat ng mga saserdote na inorganisa ni David. (1Cr 24:1, 3, 7, 8) Ang “mga anak [o mga inapo] ni Harim” ay binabanggit na kabilang sa mga saserdoteng nabuhay pagkaraan ng pagkatapon: 1,017 ang bumalik mula sa Babilonya noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 2, 36, 39; Ne 7:42) Si Adna ang ulo ng sambahayang ito sa panig ng ama sa sumunod na salinlahi. (Ne 12:12, 15) Lima “sa mga anak ni Harim” ang kumuha ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito bilang tugon sa payo ni Ezra na gawin ang gayon. (Ezr 10:10, 11, 21, 44) Isang kinatawan ng pamilya (o posibleng isa sa kanila na may gayunding pangalan) ang sumuporta sa tipan ng katapatan pagdating ni Nehemias noong 455 B.C.E.—Ne 9:38; 10:1, 5, 8.
2. Ang pinagmulan ng isang di-makasaserdoteng pamilya na ang 320 sa mga ito ay bumalik mula sa Babilonya patungong Jerusalem kasama ni Zerubabel. (Ezr 2:1, 2, 32; Ne 7:35) Tulad ng mga miyembro ng makasaserdoteng pamilya na may gayunding pangalan (Blg. 1), walong inapo ng Harim na ito ang kumuha rin ng mga asawang banyaga at nagpaalis sa mga ito. (Ezr 10:25, 31, 32, 44) Ang kanilang kinatawan ay nagpatotoo rin sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” na itinatag noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias. (Ne 9:38; 10:1, 14, 27) Ang isang “anak” ni Harim, si Malkias, ay tumulong na magkumpuni ng pader ng Jerusalem.—Ne 3:11.