REHUM
1. Isa sa mga nakatala sa unahan ng rehistro ng mga tapon na bumalik mula sa Babilonya patungong Jerusalem kasama nina Zerubabel at Jesua. (Ezr 2:1, 2) Ang kaniyang pangalan ay binabaybay na Nehum sa Nehemias 7:7.
2. Isang saserdote na nakatalang kabilang sa mga bumalik kasama ni Zerubabel. (Ne 12:1, 3) Dahil sa isang simpleng paglilipat ng mga titik Hebreo, magiging siya ang isang tinatawag na Harim sa Nehemias 12:15 at sa iba pang talata.—Tingnan ang HARIM Blg. 1.
3. Ang “punong opisyal ng pamahalaan” (ng Imperyo ng Persia) na ipinapalagay na nanirahan sa Samaria at nanguna sa pagsulat ng isang liham kay Haring Artajerjes na may-kabulaanang nag-akusa sa mga Judio may kinalaman sa kanilang mga intensiyon sa muling pagtatayo ng Jerusalem. Ang tugon ng imperyo ay nag-uutos kay Rehum at sa mga kababayan nito na pumaroon sa Jerusalem at puwersahang pahintuin ang gawain ng mga Judio na muling pagtatayo. (Ezr 4:8-24) Gayunman, hindi nagtagal pagkatapos nito ay pinasigla nina Hagai at Zacarias ang mga Judio na ipagpatuloy ang kanilang muling pagtatayo, na sa wakas ay sinang-ayunan sa pamamagitan ng pagrerepaso ng mga Persiano sa orihinal na batas ni Ciro.—Ezr 5:1–6:13.
4. Isang Levitang anak ni Bani na tumulong na magkumpuni ng pader ng Jerusalem.—Ne 3:17.
5. Ang ulo ng isang pamilya na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon na ang kinatawan, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo sa tipan ng katapatan noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias.—Ne 10:1, 14, 25.