SOPERET
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “bumilang; bilangin”].
Lumilitaw na isang ninuno ng isang pamilya (“ang mga anak ni Soperet”) na kabilang sa “mga anak ng mga lingkod ni Solomon” na bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya. (Ezr 2:55; Ne 7:57) Naglagay si Ezra ng pamanggit na pantukoy sa unahan ng So·pheʹreth, anupat ginawa itong Has·so·pheʹreth, posibleng nangangahulugang “ang eskriba.” Iminumungkahi ng ilan na ang mga anak ni Soperet ay isang pangkat ng mga eskriba o mga tagakopya. Maaaring ipahintulot ng mga kahulugan ng ilan sa iba pang mga pangalan sa talaan ang pagtukoy sa uri ng trabaho, samantalang ang iba naman ay hindi.